Piolo sa paghahanap ng dyowa: Ayoko pa talaga, saka na lang!

By Ervin Santiago April 15,2018
share this

Piolo sa paghahanap ng dyowa: Ayoko pa talaga, saka na lang!

By Ervin Santiago April 15,2018
share this

DIRETSONG inamin ni Piolo Pascual na wala siyang balak makipagrelasyon at hindi na rin daw siya naghahanap ng magiging girlfriend.

Sa nakaraang presscon ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN na Since I Found You, mas gusto niyang magtrabaho nang magtrabaho at gawin ang mga bagay na gusto pa niyang ma-accomplish.

“Saka na lang. Hindi sa walang time, choice ko, pasensiya naman. Ayoko talaga. Ang dami ko kasing gustong gawin sa buhay, eh. In all honesty, hindi ko siya hinahanap, ayoko siyang hanapin.

“Ayaw ko na lang muna para mas tutok ako sa (trabaho), ang dami ko kasing ganap sa buhay, so feeling ko, kung isasama ko pa ‘yun, I don’t want it to be a task, I don’t want it to be a chore. Ide-devote ko muna ‘yung oras ko where I see it fit.

“So, for the next couple of years, ito na muna para mas tutok lang ako, so pasensiya na lang,” paliwanag ni Papa P.

Pero aniya kung may darating na tao na makapagpapatibok ng kanyang puso at mapi-feel niyang “this is it” na, tatanggapin niya nang buong puso.

Samantala, apat na taon ang nakalipas bago tumanggap uli ng serye si Piolo, sa katunayan marami na raw siyang tinanggihang drama series dahil mas nag-concentrate siya sa paggawa ng pelikula. Ang huling serye pa ng Ultimate Heartthrob sa ABS ay Hawak Kamay.

“Hindi ko na po kasi talaga kaya kasi ang hirap pag everyday ka nagtatrabaho especially pag hand-to-mouth ka na, meaning, ‘yung sinu-shoot n’yo today, ipapalabas kinagabihan.

“Wala ka na talagang ibang gagawin and I really wanted to focus on doing movies, other staff like producing,” paliwanag pa ng lead star ng Since I Found You.

Tinanggap ni Piolo ang Since I Found You dahil sa kakaibang tema nito at sa mga makakasama niya sa programa tulad nina Alessandra de Rossi, Empoy, JC de Vera at Arci Muñoz.

“I’m just really happy that they gave me something na really different, iba ‘yung pagka-different niya, you know, it’s a departure from the drama series na ginagawa natin, especially Hawak Kamay na lahat na yata ng kamalasan sa mundo, nangyari sa istorya sa buhay ko,” sey pa ni Papa P.

Magsisimula na ngayong Lunes sa ABS-CBN Primetime Bida ang Since I Found You kapalit ng The Good Son. Ito’y sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending