Gwapong hunk actor walang kahilig-hilig sa mga seksing babae | Bandera

Gwapong hunk actor walang kahilig-hilig sa mga seksing babae

Cristy Fermin |April 14,2018
facebook
share this

Gwapong hunk actor walang kahilig-hilig sa mga seksing babae

Cristy Fermin - April 14, 2018 - 12:15 AM

TALAGA naman! Sa isang umpukan ng mga nagtatrabaho sa lokal na aliwan ay pinagpistahan na naman ang isang guwapong hunk actor na napakailap sa mga kababaihan.

Nasa kanya na ang lahat ng mga katangiang hinahanap ng mga anak ni Eba, wala nang hahanapin pa sa kanya, pero kung bakit napakalayo talaga ng interes ng guwapong aktor sa mga kababaihan.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nu’ng minsan, naging guest sa isang variety show ang mga candidates sa isang beauty contest. Napakagaganda at ang se-sexy ng mga girls na nasa studio.

“Natural, nagkagulo ang mga male hosts ng show, kani-kanyang pakikipag-selfie sila sa mga girls, talagang nabulabog silang lahat dahil sinugod sila ng mga babaeng super-gaganda!

“Hinahanap ng mga nandu’n si ____ (pangalan ng guwapong hunk actor), nasaan siya? Nagkakagulo na ang mga kasamahan niya sa mga girls, pero bakit wala siya?

“Nalaman nu’ng naghahanap na bumalik pala sa dressing room niya ang guwapong hunk actor, talagang wala siyang interest sa mga naggagandahang girls sa studio, walang-wala!

“Natural, umugong na naman ang mga bulungan sa studio, talagang wala siyang interest sa mga girls, dahil iba ang hanap niya. Sa ganda at sexy nga naman ng mga contestants na nagpo-promote sa show nila, sino ba namang lalaki ang hindi magkakainteres?

“Pero ibahin natin si ____ (ang guwapong hunk actor na matagal nang kinukuwestiyon ang gender), ano naman ang magagawa natin kung sa wala siyang interest sa mga girls? E, kung wala naman kasi talaga siyang nararamdaman, pangunahan pa ba natin siya?

“E, siya ang pinag-interview sa mga girls, natural, nagpanggap siyang gandang-ganda sa mga kababaihan! Hindi nakapagpigil ang isang nasa backstage, ang sabi ng isang kasamahan niya, ‘It’s a fake! It’s a fake!’

“Kasi nga, habang nagkakagulo sila sa mga babae, e, bumalik sa dressing room niya ang hunk actor! Tapos, nu’ng kaharap niya na ang mga girls, e, nagkunwari siyang gandang-ganda sa mga ini-interview niya?

“Nakakaloka nga naman siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio. It’s a fake nga naman!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending