Alessandra binentahan ng baby sa kalye: Sinisingil ako ng P5,000! | Bandera

Alessandra binentahan ng baby sa kalye: Sinisingil ako ng P5,000!

Ervin Santiago |April 14,2018
facebook
share this

Alessandra binentahan ng baby sa kalye: Sinisingil ako ng P5,000!

Ervin Santiago - April 14, 2018 - 12:05 AM

EMPOY MARQUEZ AT ALESSANDRA DE ROSSI

MAY nagbenta pala ng sanggol kay Alessandra de Rossi sa halagang P60,000.

Sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Since I Found You kasama sina Piolo Pascual, Empoy Marquez, Arci Muñoz at JC de Vera, naikuwento ni Alex ang tungkol sa ibinebentang baby.

“Ano daw ‘yun, parang ‘yung mommy walang pambayad sa hospital, P60,000 ‘yung bill. So, pangtubos para mailabas ‘yung mom, ‘yung baby,” chika ng award-winning actress.

Siyempre, hindi raw niya tinanggap ang offer dahil hindi niya feel ang magka-baby na binili lang niya. May nag-alok na rin sa kanya noon ng sanggol sa kalye sa halagang P5,000.

“Sobra, parang ano ‘yan, tuta? Hindi ako interesado. Interesado ako kung napulot, kung nakita mo sa gubat mag-isa, kumbaga sa stray cat, ‘yung ganu’n! Pero ‘yung ibebenta, may money involved ), parang nakakapanghina.

“Buti nga kung bigay, eh. Baka tanggapin ko pa. Pero ‘yung may kapalit na pera, parang hindi ko yata matatanggap,” sey pa ni Alex.

At dahil napag-uusapan na rin ang baby, natanong si Alex kung kailan ba niya balak mag-asawa at magkaanak, “No, hindi ko siya naiisip.”

Samantala, balik-tambalan nga sina Alessandra at Empoy sa seryeng Since I Found You ng Dreamscape Entertainment na magsisimula na sa darating na Lunes. Ito ang papalit sa The Good Son na nagtapos na kagabi.

“Sobrang saya. Siyempre komportable ka sa tao although komportable naman ako sa kanila pero Empoy is Empoy. Siya ang aking hope. Ha-hahaha!” chika ni Alex nang makachikahan namin sila ni Empoy.

At tulad ni Alex, super excited din si Empoy sa balik-tambalan ng AlemPoy.

“Masaya po, it feels so good. First time po namin mag-teleserye dalawa, samahan pa ng Papa P, Arci and JC kaya mas masaya talaga!” ani Empoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa cast ng Since I Found You sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto at Michael de Mesa, sa produksyon ng Dreamscape Entertainment at sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending