Operasyon ng Grab nanganganib masuspinde dahil sa over pricing, pinagpapaliwanag ng LTFRB

By Leifbilly Begas April 12,2018
share this

Operasyon ng Grab nanganganib masuspinde dahil sa over pricing, pinagpapaliwanag ng LTFRB

By Leifbilly Begas April 12,2018
share this

NAGPALABAS  ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa Grab kaugnay ng diumano’y paniningil nito ng P2 kada minutong biyahe na hindi pinahihintulutan ng ahensya.

“… MyTaxi.Ph, Inc. (Grab) is hereby ordered to Show Cause, in writing within a period of five days from receipt of a copy thereof, why its Certificate of Accreditation as a Transportation Network Company should not be suspended or cancelled,” saad ng order ng LTFRB.

Magsasagawa ang LTFRB ng pagdinig kaugnay nito sa Martes ng umaga.

“Failure on the part of MyTaxi.ph, Inc., to answer in writing this Show Cause Order within the said period from receipt hereof and to appear at the hearing of this case shall be considered a waiver on its part to be heard and this case shall be decided on the basis of the records of this Board.”

Ang show cause order ay resulta ng isiniwalat ni PBA Rep. Jericho Nograles na naniningil ang Grab ng P2 kada minutong biyahe ng walang pahintulot mula sa LTFRB.

Si Nograles ay sumasakay ng Grab mula sa kanyang bahay sa Makati patungo sa Batasan Complex.

Sa isang pahayag, inamin ng Grab na mayroon itong per minute charging at pinapayagan umano ito ng LTFRB.

“Department Order 2015-011 allowed TNCs to set its own fares with the oversight of the LTFRB. In June 2017, Grab, upon review of its pricing structure, initiated per minute pricing of 2 pesos. This was integrated to the existing per km charges and is not added to the upfront fares,” saad ng pahayag ng Grab.

Ipinatutupad umano nito ang per minute charges upang hindi malugi ang mga driver dahil sa trapik.

“Per minute charges remain part and parcel to Grab’s fare structure today and we have continuously been transparent about this truth. In fact, during times when questions were raised about fares in certain trips, we would always back compute and provide the basic formula for the same; including the per minute charges,” dagdag pa nito.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending