Ilang AlDub fans tanggap na ang relasyon nina Maine at Juancho | Bandera

Ilang AlDub fans tanggap na ang relasyon nina Maine at Juancho

Alex Brosas |April 12,2018
facebook
share this

Ilang AlDub fans tanggap na ang relasyon nina Maine at Juancho

Alex Brosas - April 12, 2018 - 12:20 AM

MAINE MENDOZA AT JUANCHO TRIVINO

KUMALAT sa isang website ang photos nina Maine Something at Juancho Something.

Ang implication nito ay magdyowa ang dalawa, something which Maine’s fans approved of.
“Eh ano kung magjowa sila anong pakialam nyo? May magagawa ba kayo kung sila, may problema?

Walang dahilan kung binata at dalaga ang isat isa sa kanila, pakialaman mo buhay mo huwag ang taong dimo kilala.”

“So what…pareho naman clang single…kung san cla masaya GO!”

“Leave Maine Mendoza alone!?? Kung saan siya happy go! Pabayaan lang, she deserves to be happy. Basta’t ok at ginagawa niya ang trabaho at ok ang career niya! Walang karapatan ang fans na pigilan siya!”

“Tanggapin nyo na kc hanggang magkaibigan lang cla ni Alden at c Juancho ang lover nya ok? Baliw lang talaga mga fans ng AlDub.”

Oo nga naman. Friendship is all there is between Maine and Alden Something. Matagal na naming sinasabi iyan pero ayaw makinig ng ilang bobong fans. Feeling nila ay magugustuhan ni Alden si Maine.

Ang kaso, iba ang gusto ni Alden at alam ‘yan ng lahat ng nakapaligid sa kanya.

Need we say some more?

q q q

Hindi pa pala natatanggal ang stent sa katawan ni Vice Ganda nu’ng inoperahan siya dahil sa kidney stones niya.

With that, hindi masyadong makagalaw si Vice. Hindi man super restricted ang kanyang movements at damang-dama naman niya ang nakalagay sa kanyang katawan kaya hindi siya makapagpatawa nang husto.

“Kasi kapag nagtatawanan tayo, lalo na sa Tawag ng Tanghalan, biglang nawawala ang ngiti ko, bumabagsak ang ngiti ko, kasi nararamdaman ko ang tubo ko masakit. Kasi may kidney stones ako. Hindi lumabas, pinasukan ng tubo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko ayaw ko na, gusto ko nang ipatanggal ito. Sabi ng doctor after two months tingnan natin. Nagpa-ultrasound ako. Excited ako na makuha ‘yung result, eh hindi pa okay, kaya hindi pa siya tatanggalin. Bukas mayroon akong CT scan. Ipag-pray niyo ako para okay na ako. Hindi kasi ako makagalaw,” say niya recently.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending