Maine umawra nang bongga: Pagbigyan na, minsan na lang magmukhang tao! | Bandera

Maine umawra nang bongga: Pagbigyan na, minsan na lang magmukhang tao!

Jun Nardo |April 12,2018
facebook
share this

Maine umawra nang bongga: Pagbigyan na, minsan na lang magmukhang tao!

Jun Nardo - April 12, 2018 - 12:01 AM


NAGLABAS ng bagong pictorial si Maine Mendoza sa kanyang Instagram na fully made up at maayos ang hair style. Madalas kasi siya sa barangay segment ng Eat Bulaga at simple lang ang ayos at outfit kaya na-miss din niyang umawra ng bonggang-bongga!

“Pagbigyan. Paminsan-minsan nalang magmukhang tao,” caption ni Meng sa kanyang photo.
Komento naman ni Cacai Bautista, “MANIKAAAAA!!!!!”

“Denzel Weta,” saad naman ni Allan K. Ito pangalang tinuran ni Meng nang interbyuhin ang isang winner sa Juan For All All For Juan na Denzel ang pangalan.

Pak na pak naman sa followers ng Phenomenal Star ang bagong look niya sa bagong pictorial.

q q q

Dobleng bonus ang natanggap ni Kyline Alcantara dahil sa epektibo niyang kontrabida sa top rating series ng GMA na Kambal, Kari-bal.

Aba, umabot na sa 1 million ang kanyang followers sa social media at biniyayaan pa siya ng recording contract kamakailan ng GMA Records, huh!

May talent din sa pagkanta ang Kapuso actress bukod sa pagiging mahusay sa pag-arte. Naging viral nga sa socmed ang ilan niyang covers ng mga sikat na awitin.

Sa gagawing album, gustong bigyan ni Kylie ng millennial spin ang ilang OPM songs.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending