Pinaglalaruan lang kaya ako ni crushie?

By Beth Viaje April 11,2018
share this

Pinaglalaruan lang kaya ako ni crushie?

By Beth Viaje April 11,2018
share this

DEAREST Ateng Beth,

May gusto lang po akong sabihin sa inyo. Kasi po yung crush ko ay nanliligaw na sa akin.

Hindi po ako makapaniwala dahil si crushie ay crush ng buong campus while ako ay ordinary girl lang.

Kaya nga po ang laking gulat ko nang sabihin niyang gusto raw niya akong ligawan, kaya ayun, pinayagan ko po siya.

Kaya lang po ngayon ay natatakot ako na baka pinaglalaruan lang niya ako kasi baka nalaman niyang crush ko siya kaya niya ako niligawan. Natatakot po ako na baka masaktan lang ako, 16 years old lang po ako kaya nga natatakot ako mangyayari. Ano pong gagawin ko?
…6468

Ay susme, ineng, 16 ka pa lang pala. Wag mo munang intindihin yang mga lalaki.

Hayaan mo muna siyang manligaw sa iyo. OK lang kiligin pero magandang sabihan na huwag muna siyang umasang sasagot ka ng oo. Teka, baka sinagot mo na? Kurutin kaya kita diyan sa singit mo!

Una dahil hindi mo tiyak ang damdamin niya. At ang mga manliligaw, syempre habang nanliligaw, good boy yan. Kung anu-ano mga pinapangako di ba? So ‘wag masyadong bumilib.

Hayaan mo lang siyang maghabol sa ‘yo. Tingnan natin kung hanggang saan ang pasensya o ang tyaga niya.

Pangalawa, hindi mo rin tiyak ang damdamin mo. Dahil 16 ka pa lang, sya pa lang ang pinakagwapong lalaki sa mata mo kasi nasa campus ka pa lang. Pero pag lumabas ka na ng campus at medyo nag mature ka pa, mari-realize mo na hindi lang kagwapuhan ang mahalaga sa isang tao. Mari-realize mo na hindi lang siya ang cutie na pwedeng maging crush mo.

Besides, itanong mo sa nanay mo kung ok sa kanya yung nanliligaw sa ‘yo. Pag OK sa kanya, e di sagutin mo siya after 5 years!

May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending