Maris Racal nakatampuhan ang ina nang pumunta sa Siargao: Nabaliw siya kasi Biyernes Santo ‘yun!!!

By Reggee Bonoan April 11,2018
share this

Maris Racal nakatampuhan ang ina nang pumunta sa Siargao: Nabaliw siya kasi Biyernes Santo ‘yun!!!

By Reggee Bonoan April 11,2018
share this


HIWALAY sina Maris Racal at Inigo Pascual nitong nakaraang Semana Santa.

Sa Amerika nagbakasyon ang anak ni Piolo Pascual kasabay ng mga shows nila roon kasama ang iba pang Pinoy artists.

Si Maris naman ay buryong na buryong na raw kaya nagyaya ng makakasama sa beach.

Nakapanayam namin ang dalaga sa ginanap na Sketchers Move In Style 2018 inspired by Global Pop Star Camila Cabello sa Activity Center ng Trinoma Mall nitong Linggo. Saksi kami sa nakabibinging tilian ng kanyang mga supporter.

“Holy week ko sobrang saya kasi kasama ko si ate Bela (Padilla) at Carlo Aquino, pumunta kami sa Siargao. Wala si Inigo kasi nasa LA (Los Angeles) siya nu’ng time na ‘yun.

“Sobrang unexpected po ‘yun kasi kapag Holy Week po, sa bahay lang ako dapat, e, na-bore na ako.
“Gusto kong umalis kasi di ba, sa time ng life mo, may time na nagke-crave ‘yung soul mong umalis, tapos lahat ng niyaya ko busy lahat sa family nila or may ibang ganap pa sila.

“Kaya naisip ko si ate Bela, siyempre gusto ko siya as a friend, tinanong ko siya kung nasaan siya sa Holy Week and then, sabi niya sa La Union and then bigla na lang siyang nag-book to Siargao kaya excited ako tapos nagulat pa ako na kasama pala si kuya Carlo.

“Marami ring (artista) doon, nagkikita-kita kami pero mainly, kaming tatlo ang magkakasama. First time naming tatlo mag-hang-out. Kami ni ate Bela first time talaga and then si kuya Carlo naka-work ko na siya sa teleserye namin noon na We Will Survive (2016),” sabi ng batang aktres.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Maris ng litrato nila ni Bela sa Siargao habang kumakain ng isaw. Dito pinasalamatan niya ang aktres sa pagbibigay sa kanya ng chance para ma-realize kung gaano kaganda ang buhay.

“There are people who will open your eyes and make you realise how beautiful life is and you’re one of them ate Bela #CampIsaw!” caption niya sa kanyang IG photo.

Nagkatampuhan pa nga raw sina Maris at mommy niya dahil pinipigilan siyang bumiyahe dahil nga Biyernes Santo iyon.

“Ay naku, si mama talaga grabe, kasi very traditional siya, very religious, nabaliw siya. Tinakot niya ako para hindi ako sumakay ng eroplano, e, naka-book na ako. Sabi niya, ‘Maris black Friday ‘yan, huwag kang umalis, dapat dito ka lang.’

“Sabi ko, ‘Ma? naka-book na ako, umiiyak na ako kasi stress na ako kaya sabi ko payagan na ako, tapos nag-away kami konti, napapayag ko naman siya. First time ko kasing umalis ng solo,” kuwento pa sa amin ni Maris.

Nagustuhan ni Maris ang Siargao dahil mababait at simple lang ang mga tao roon at parating nakangiti, “Grabe silang mag-welcome ng bisita. Mga locals doon sobrang humble ‘yung every corner na mapupuntahan mo, nakangiti sila lagi. Gusto ko uling pumunta ro’n. Isama ko si Inigo? Oo naman why not,” masayang sabi ni Maris.

Samantala, malapit nang mag-shooting sina Maris at Inigo para sa kanilang launching movie under Star Cinema pero hindi niya sinabi kung sino ang direktor at kung sinu-sino ang makakasama nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending