Paghihiganti ni Glaiza sa Contessa inaabanga na | Bandera

Paghihiganti ni Glaiza sa Contessa inaabanga na

|April 09,2018
facebook
share this

Paghihiganti ni Glaiza sa Contessa inaabanga na

- April 09, 2018 - 12:35 AM


HINDI na nga makapaghintay ang Kapuso viewers sa magiging pagbangon at paghihiganti ng karakter ni Glaiza de Castro bilang si Contessa.

Ito na nga ang pinakahihintay at inaabangang eksena ng lahat dahil excited na silang mapanood ang magiging transformation ni Glaiza sa afternoon series na Contessa.

Matapos niyang pagdaanan ang lahat ng pagsubok sa kanyang buhay, mula sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na si Marco (Mark Herras) hanggang sa pagkakakulong sa isang krimen na hindi niya ginawa at sa pagkamatay ng kanyang ina, sukdulan na talaga ang pagpapahirap at pang-aapi na naranasan ni Bea.

Kaya naman ang viewers at netizens, super abang na sa magiging paghihiganti nito laban sa mga Imperial. Tutok na tutok na ang lahat lalo pa ngayon na mapapanood na sa wakas si Guada na ginagampanan ni Tetchie Agbayani. Siya ang misteryosong bilanggo sa correctional na makikilala ni Bea.

Ano ang magiging papel ni Guada sa paghihiganti ni Bea? Siya na kaya ang tutulong kay Beapara makamit ang hustisya na matagal na niyang ipinaglalaban? Tutok lang sa Contessa, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending