Ruru Madrid kinakarir ang pagiging action star | Bandera

Ruru Madrid kinakarir ang pagiging action star

|April 09,2018
facebook
share this

Ruru Madrid kinakarir ang pagiging action star

- April 09, 2018 - 12:35 AM

NAPAMAHAL na talaga sa Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid ang GMA Primetime series nilan Sherlock Jr..

Focused at determinado raw siya na gawin ang mga eksena niya sa GMA Telebabad series lalo pa’t naramdaman niya ang mainit na pagtanggap ng manonood. Pero bukod dito, mas espesyal kay Ruru ang nasabing programa dahil dito ay natupad ang kanyang pangarap na maging isang action star.

Aniya, mas excited siyang mag-taping ngayon dahil sa mga kasong nireresolba nila ng wonder dog na si Siri. Bukod daw kasi sa interesting ang mga topic na kanilang tinatalakay, marami pa rin siyang natututunan sa mga co-actors niya. Para nga sa kanya, natupad na niya ang childhood dream niya to become an action star.

Samantala, usap-usapan ngayon ang paglabas ng karakter ni Rafael Rosell sa Sherlock Jr., kung saan unang pagkikita pa lang nila ni Jack (Ruru) ay inupakan na niya agad ito. Mukhang nasa panibagong adventure na naman ang bidang investigative reporter, huh!

Sinu-sino pa kaya ang mga Kapuso stars ang mapapanood sa pagpapatuloy ng kuwento ng Sherlock Jr.? ‘Yan ang inyong abangan sa mas lalo pang umiinit na kuwento ng Sherlock Jr., sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

q q q

Hindi na nga makapaghintay ang Kapuso viewers sa magiging pagbangon at paghihiganti ng karakter ni Glaiza de Castro bilang si Contessa.

Ito na nga ang pinakahihintay at inaabangang eksena ng lahat dahil excited na silang mapanood ang magiging transformation ni Glaiza sa afternoon series na Contessa.

Matapos niyang pagdaanan ang lahat ng pagsubok sa kanyang buhay, mula sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na si Marco (Mark Herras) hanggang sa pagkakakulong sa isang krimen na hindi niya ginawa at sa pagkamatay ng kanyang ina, sukdulan na talaga ang pagpapahirap at pang-aapi na naranasan ni Bea.

Kaya naman ang viewers at netizens, super abang na sa magiging paghihiganti nito laban sa mga Imperial. Tutok na tutok na ang lahat lalo pa ngayon na mapapanood na sa wakas si Guada na ginagampanan ni Tetchie Agbayani. Siya ang misteryosong bilanggo sa correctional na makikilala ni Bea.

Ano ang magiging papel ni Guada sa paghihiganti ni Bea? Siya na kaya ang tutulong kay Beapara makamit ang hustisya na matagal na niyang ipinaglalaban? Tutok lang sa Contessa, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending