‘Inis na inis na talaga ako kay Yassi Pressman! Talandi!’ | Bandera

‘Inis na inis na talaga ako kay Yassi Pressman! Talandi!’

Cristy Fermin |April 08,2018
facebook
share this

‘Inis na inis na talaga ako kay Yassi Pressman! Talandi!’

Cristy Fermin - April 08, 2018 - 12:40 AM

YASSI PRESSMAN

HINDI talaga naihihiwalay ng manonood ang sitwasyon ng mga artista sa isang serye. Akala nila, kung ano ang papel na ginagampanan ng personalidad sa palabas ay ‘yun na sila sa tunay na buhay, kaya kinaiinisan nila.

May isang kaibigan kami na dati’y gandang-ganda kay Yassi Pressman. Sabi pa nito ay pinakamagandang mukha ngayon ang dalaga dahil kitang-kita ‘yun kahit walang kolorete sa mukha ni Yassi.

Ganu’n. Pero nu’ng magkaroon na ng twist ang seryeng Ang Probinsyano, nang humanap na ng kapalit ni Cardo Dalisay (Coco Martin) si Alyanna, ay biglang kambiyo na ang pagkagusto ng aming becking kaibigan kay Yassi!

Pag-amin nito, “Ang cheap ko! Nadadala ako sa kuwento ng Ang Probinsyano! Mula nu’ng makipagrelasyon na si Alynna kay JC Santos, biglang ayoko na sa kanya! Inis na inis na ako sa kanya.

Talandi!

“Ewan ko ba! Siguro, dahil ang inaasahan ko, e, babaeng Pilipina si Alyanna, na kahit magkalayo sila ni Cardo, e, hindi siya maghahanap ng ibang lalaki, maghihintay siya!

“At gusto kong lapirutin ang bibig ng gumaganap niyang mommy sa series. Mabuti pa si Joel Torre, maprinsipyo, pero ang nanay niya, bugaw! Kinakampihan pa ang kalokohang ginagawa ng anak niya!” tawa kami nang tawa sa litanya ni Kumareng Sonia.

Ganu’n katindi ang epekto ng mga serye sa buhay ng ating mga kababayan, parang hindi posible, pero totoong naaapektuhan sila sa daloy ng kuwento ng pinanonood nila. Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending