Ika-4 diretsong PBA Philippine Cup nakubra ng San Miguel Beermen

By Melvin Sarangay April 06,2018
share this

Ika-4 diretsong PBA Philippine Cup nakubra ng San Miguel Beermen

By Melvin Sarangay April 06,2018
share this

NAKUHA ng San Miguel Beermen ang ikaapat na diretsong PBA Philippine Cup title matapos talunin sa double overtime ang Magnolia Hotshots, 108-99, sa Game 5 ng kanilang best-of-seven championship series Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo, na napiling Finals MVP, ang Beermen sa ginawang 40-20 double-double performance na 42 puntos at 20 rebound.

Nagtala rin ng double-double si Arwind Santos para sa San Miguel Beer sa kinamadang 23 puntos at 11 rebound.

Kumana naman si San Miguel Beer guard Chris Ross ng triple-double sa itinalang 13 puntos, 11 rebound at 11 assist habang si Marcio Lassiter ay nagdagdag ng 16 puntos.

Pinamunuan ni Paul Lee ang Magnolia sa ginawang 21 puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending