Boobs ni KC pinag-awayan ng mga netizen; Gabby kapal daw ng face | Bandera

Boobs ni KC pinag-awayan ng mga netizen; Gabby kapal daw ng face

Ervin Santiago |April 07,2018
facebook
share this

Boobs ni KC pinag-awayan ng mga netizen; Gabby kapal daw ng face

Ervin Santiago - April 07, 2018 - 12:10 AM


NAKAKALOKA ang ilang followers ni KC Concepcion sa social media! Talagang inokray nila nang walang patumangga ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa ipinost nitong “cleavage photo” sa Instagram.

Makikita sa litrato si KC na nakaupo sa isang tila kama na may mga nakalambiting puting kurtina. May pasilip ang dalaga sa kanyang boobs na naging malaking isyu para sa mga netizens. Nilagyan niya ito ng caption na: “Bare essentials!”

Umabot na sa mahigit 46,000 likes ang nasabing litrato pero maraming nangnega kay KC at nagsabing hindi na niya kailangan pang magpa-picture ng ganu’n sa kanyang estado ngayon. Ano na lang daw ang sasabihin ng kanyang mga conservative na fans and followers na umiidolo sa kanya.

May nasabi pang parang nanay na raw si KC na nagpapadede ng baby dahil sa laki ng kanyang boobs. Ano raw ba ang ipinaglalaban niya sa pagpapakuha ng ganu’ng litrato?

Pero may mga nagtanggol naman sa TV host-actress. “Inggit lang ang mga walang K, mas mabuti pa maligo at para mahimasmasan ang inyong mga K ay este mga maduduming kokoti. Hahaha! OMG mga inggitera sa tabitabi!” sabi ni @baby30baby.

“Here in Europe they call this art. You are a woman of all time. You stand far than the other Filipino actress. I guess those people who cirticise you for this post, has a long way to go. A lot more to explore, read and understand,” sabi naman ni @rassel_dassel.

Resbak naman ni @trollcrusher17@aml_lazaro, “err tell me: how much skin exposure is required to be labeled classy or unclassy? Sige nga, paki-explain!”

Pero biglang may sumingit na netizen na hindi si KC ang binatikos kundi ang tatay niyang si Gabby Concepcion. Ang aria ni @lalaine4625, “@itskcconcepcion grabe Papa mo. Sobra sa kapal. Even before you came to this world pinapaiyak na nya mama mo. Isipin mo baby ka pa nakagawa na ng baby sa iba. Buti na lang ikaw pa rin ang maganda.

“Imagine, iniwan ka ikaw naghanap kase Sharon never said anything bad about your BIOLOGICAL Father. Dun man lang sana walang katapusang respeto at pasasalamat sana sa iyong ina.

“Pero di ko alam san kumukuha ng tapang at kapal ng mukha ang papa mo para bastusin si Sharon sa mga kaartehan na excuses kung bakit di pa pwede gumawa ng movie, mga parinig sa post at derechehang pag unfollow!”

Ayan, pati tuloy si Gabby na walang kamalay-malay nadamay sa pagpapasilip ni KC ng kanyang boobsie!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending