Ginagamit lang ng GF?

By Beth Viaje April 06,2018
share this

Ginagamit lang ng GF?

By Beth Viaje April 06,2018
share this

DEAR Ateng Beth,

May problem po ako sa GF ko. Ewan ko na kung talagang gusto niya ako o gusto lang niya may matawag na boyfriend. Kasi dati sa barkarda nila ay siya lang walang BF. Di ko alam kung panakip-butas lang ako.

Di ko maramdaman na mahal niya ako. Sinasama niya ako sa mga lakad nila para siguro i-display. Di naman po ako pogi, pero may trabaho at kumikita naman ng sapat. Iniisip ko tuloy baka pinagkakaperahan lang ako ng GF ko. Pero mahal ko siya.

Aldrin, Laguna

Hello kuya Aldrin,
Grabe ka naman kuya, masyado kang judger, ha? Sa lahat ng paratang mong ito sa mismong iyong GF, tinanong mo na ba siya kahit minsan, kumbaga for the benefit of the doubt?!

Lahat naman ng babae at one point sa buhay niya ay wala siyang boyfriend. At saan ka naman ipapanakip-butas ng GF mo?

Sabi mo nga di ka pogi so what makes you think na sinasama ka niya para i-display? Kung di ka niya mahal, di ka isasama at idi-display. Hindi mo ba naisip na mas convenient for her na wala ka habang siya ay rumarampa kasama ang kanyang mga girlfriends kesa i-display ang someone na hindi naman kadisplay-display. Ooopps, sorry sa pagiging taklesa ng ateng mo, ha? Pinili mo ko, eh.

Ano bang paramdam ang gusto mo para mapatunayan niyang mahal ka niya? Niligawan mo ba siya?

Sinagot ka ba niya? Wala ba siyang love language sa iyo? O gusto mo lang ‘yung paraan mo ang pagpapakita ng pagmamahal niya?

Kung pinagkakaperahan ka niya, e bakit pinagtitiyagaan mo pa siya? Sana kung user-friendly si GF mo, iniwan mo na, wala nang tanong-tanong kay ateng!

Alam mo kuya Aldrin, parang wala kang nabanggit na isang magandang bagay tungkol kay GF. Parang wala kang nakikitang maganda sa kanya. Bakit di mo pa hiwalayan?

Ang alam ko kasi sa nagmamahal, di siya nagbibilang nang naibibigay niya; yung masaya siya na nakikitang masaya ang mahal niya. Yun bang sapat sa kanya na matapat sila sa isa’t isa.

Ang alam ko kasi sa nagmamahal, kaya niyang kausapin at linawin sa taong mahal niya ang mga isyu nila. Hindi yung parang nanghuhula sa kung ano ba talaga ang sitwasyon nila.

Yung reresolbahin nila ang problema nila at hindi lang basta magdududa at magbibintang.

Yun lang naman ang alam ko sa nagmamahal. Ewan ko lang sa iba diyan kung paano sila magmahal.

 

May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending