Relasyon ng gambling lord, aktres lantaran na

By Den Macaranas April 06,2018
share this

Relasyon ng gambling lord, aktres lantaran na

By Den Macaranas April 06,2018
share this

KABADO ang ilang nakapaligid sa isang kilalang gambling lord dahil sa kanyang ginawang pang-aagaw sa misis ng isang maimpluwensiyang negosyante.

Lantaran na kasi kung magpakita sa publiko si gambling lord at ang misis ni businessman na isa ring kilalang aktres.

Kung dati ay sa abroad sila madalas magdate, lalo na sa Macao kung saan ay marami ang sugalan na talaga namang kinagigiliwan ng gambling lord/operator na bida sa ating kwento ngayong araw.

Dati ay natsismis rin na naging fling ni gambling lord ang younger sister ng aktres na artista rin naman pero hindi na aktibo sa kasalukuyan.

Kaya nga medyo mayabang ang sugarol na ito dahil natuhog daw niya ang magkapatid.

Huling nakitang kasama ng gambling lord ang aktres na misis naman ng isang negosyante sa isang sikat na derby venue dito sa Metro Manila.

Tila ipinagyayabang ng sugarol nating bida na siya ang kasintahan ngayon ng aktres na medyo may edad na rin pero hindi nawala ang angking ganda.

Sinabi ng ating cricket na ilang beses na rin nilang pinagsabihan ang gambling lord na mag-ingat dahil mabigat rin ang impluwensiya ng mister ng aktres na ngayon ay ipinagyayabang niya.

Huwag na raw hintayin ng dakilang sugarol na may mangyari sa kanyang masama dahil nga sa ginawang panunulot sa misis ng nasabing businessman.

Sa totoo lang ay marami ang nagtataka dahil tahimik lang ang tinutukoy nating negosyante samantalang makailang beses na siyang iniputan sa ulo ng kanyang playgirl na misis.

Ang gambling lord na bida sa ating kwento ngayong araw ay naging laman ng mga balita kamakailan dahil sa gulo sa isang ahensiya ng pamahalaan ay si Mr. C…as in Charot.

Ang aktres naman na sinasabing girlfriend ni Mr. Gambling Lord ay si Miss B…as in Bareta samantalang ang negosyante naman ay si Mr. T…as in Town.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending