'Napakasuwerte ni Daniel kay Kathryn, responsable na wala pang kaartehan!' | Bandera

‘Napakasuwerte ni Daniel kay Kathryn, responsable na wala pang kaartehan!’

Cristy Fermin |April 06,2018
facebook
share this

‘Napakasuwerte ni Daniel kay Kathryn, responsable na wala pang kaartehan!’

Cristy Fermin - April 06, 2018 - 12:15 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

MASAYANG-masayang bumalik ng bansa si Kathryn Bernardo dahil matagumpay ang apat na shows na ginawa nila ni Daniel Padilla sa Amerika. Du’n na rin nagdiwang ng kaarawan ang magandang young actress kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Napakahalaga ng samahan ng pamilya para kay Kathryn. Maligaya siya kapag kasama niya ang kanyang mga magulang at kapatid sa mga bansang pinupuntahan niya. At bibihira na ngayon ang mga artistang kumikita nang milyones na sa tingin pa lang ng kanilang ina ay hindi na humihirit pa.

Malaki ang takot ni Kathryn kay Mommy Min. Salita at tingin pa lang ng mommy niya ay nagkakaintindihan na sila. Mabait na anak ang dalaga, hindi nakatatak sa kanyang isip na malaki ang kanyang kinikita, kaya kahit ano ay puwede na niyang gawin.

Sabi pa ng aming source, “Saka hindi siya reklamadora. Di ba, kapag pagod sa taping ang artista sa maghapon, e, nagkakaroon na ng tantrums? Hindi ganu’n si Kathryn, wala kang maririnig sa kanya.

“Alam niya kasi na kapag nahihirapan na siya, e, tatanungin siya ng parents niya kung masaya pa ba siya sa mga ginagawa niya?” sabi nito.

Napakasuwerte ni Daniel Padilla sa dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending