Ai Ai pinagpala: Umuulan ng biyaya pag malakas ang faith mo kay Lord! | Bandera

Ai Ai pinagpala: Umuulan ng biyaya pag malakas ang faith mo kay Lord!

Cristy Fermin |April 04,2018
facebook
share this

Ai Ai pinagpala: Umuulan ng biyaya pag malakas ang faith mo kay Lord!

Cristy Fermin - April 04, 2018 - 12:10 AM

AI AI DELAS ALAS

HINDI pa man kumukupas ang kaligayahan ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa pagpapakasal nila ni Gerald Sibayan nu’ng Disyembre ay meron na namang dahilan kung bakit kulay rosas ang paligid ngayon ng sikat na komedyana.

Hiling ng bawat magulang ang pagkakaroon na ng apo. Maganda nga namang habang maaga pa, habang puwede pa niyang ma-enjoy ang pakikipaglaro sa kanyang apo, ay mangyari na ‘yun sa mas mabilis na panahon.

At mukhang ibibigay naman sa Comedy Concert Queen ang kanyang hiling dahil nag-propose na ang kanyang panganay na si Sancho Vito sa girlfriend nitong si Shanna Retuyal at magpapakasal na rin sa darating na December.

Kumpleto na ang kaligayahan ni Ai Ai, wala na siyang mahihiling pa, pinagtatrabahuhan nila ni Gerald ang pagkakaroon ng sariling anak at si Sancho naman ay puwede nang magbigay sa kanila ng apo sa susunod na taon.

Sabi ni Ai Ai sa huli naming kuwentuhan, “Sa totoo lang, ganu’n talaga kapag malakas ang faith mo, umuulan ang mga biyaya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending