Bela, Maris nagtanggal ng basura sa Siargao

April 03,2018
share this

Bela, Maris nagtanggal ng basura sa Siargao

April 03,2018
share this


NAG-VOLUNTEER ang dalawang Kapamilya stars na sina Bela Padilla at Maris Racal sa paglilinis ng ilang bahagi ng Siargao.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng dalawang aktres ang kanilang experience sa Siargao lalo na ang pagtulong nila sa pagtanggal ng mga basura sa isang bahagi ng isla na itinuturing nang isa sa top destination ng mga local at foreign tourists sa bansa.

Kabilang sina Bela at Maris sa grupo ng SEA Movement o ang Siargao Environmental Awareness Movement na siyang nanguna sa isinagawang coastal cleanup.

Sa isang Instagram photo na ipinost ni @thesuncrew, makikita sina Bela at Maris na nagpupulot ng mga basura sa isla na may caption na: “They are happy cause one of the famous celebrity they are helping our beach clean up yesterday thank you so much every one na ni tabang mu sa amoa beach clean up.”

Nitong nakaraang Semana Santa ay naging kontrobersyal din ang Siargao matapos maaksidente ang anak ni Karen Davila habang nagse-surf.

Nagalit ang Kapamilya news anchor at TV host dahil wala man lang daw doktor at nurse sa nasabing isla para mabigyan ng first aid treatment ang kanyang duguang anak.

Ang isa pang ikinagalit ni Karen ay ang biglang pagkawala ng surfing trainer na kanilang binayaran para turuan ang kanyang anak. Hindi na raw ito nagpakita sa kanila pagkatapos ng aksidente.

Nakipag-usap na ang broadcast journalist sa ilang opisyal ng Siargao para hindi na maulit ang kanilang na-experience sa isla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending