Erich, Enchong lovers in Paris; pinatunayang pang-forever ang relasyon | Bandera

Erich, Enchong lovers in Paris; pinatunayang pang-forever ang relasyon

|April 02,2018
facebook
share this

Erich, Enchong lovers in Paris; pinatunayang pang-forever ang relasyon

- April 02, 2018 - 12:01 AM


“LOVERS in Paris” ang emote nina Erich Gonzales at Enchong Dee nang magbakasyon sila sa France nitong nagdaang Semana Santa.

Mag-BFF ang dalawang Kapamilya stars – nagsimula ang kanilang espesyal na relasyon noong mga teenager pa sila at magtambal sa mga teleserye at pelikula ng ABS-CBN at Star Cinema.

Higit pa sa magkaibigan ang turing nila sa isa’t isa at mas ginusto nilang panatilihin ang kanilang special friendship kesa maging magdyowa. Pero in fairness, maraming pinakilig ang dalawa sa mga sweet photos nila sa Instagram na kuha sa Paris.

Isa na nga rito ang mala-Lovers In Paris nilang litrato sa Eiffel Tower. Nilagyan ito ni Enchong ng caption na: “Our love outshined any relationships because we genuinely and truly care for each other.”

Isa pang photo ang ipinost ni Enchong sa IG na kinunan naman sa loob ng famous Chateau de Versailles.

“She looked at the glass walls without knowing that beside her was the reflection of her eternity’s joy and sorrow, heaven and earth, laughter and pain, and everything opposite. It was a beautiful story of love,” ang isinulat na mensahe ng aktor.

Sa IG account naman ni Erich naka-post ang isa pang photo nila ni Enchong sa Eiffel Tower kung saan inilarawan niya ang binata na “best friend through thick and thin.”

Ayon sa mga followers ng dalawa, sana raw ay sila na lang ang magkatuluyan sa tunay na buhay. Pareho naman daw silang single ngayon kaya walang hadlang para sa kanilang espesyal na pagmamahalan.

Magkasamang tumungo sina Erich at Enchong para sa Kapamilya show sa Europe to promote their TV series The Blood Sisters. Kasama nilang nagpasaya ng mga OFW sa France sina Maja Salvador, Piolo Pascual at Arci Muñoz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending