Donna Cruz humingi ng tulong sa madlang pipol: Sana mabuo uli kami nina Regine at Mikee! | Bandera

Donna Cruz humingi ng tulong sa madlang pipol: Sana mabuo uli kami nina Regine at Mikee!

Ervin Santiago |April 02,2018
facebook
share this

Donna Cruz humingi ng tulong sa madlang pipol: Sana mabuo uli kami nina Regine at Mikee!

Ervin Santiago - April 02, 2018 - 12:20 AM

MATINDI pa rin ang clamor ng madlang pipol para sa reunion project ng magkakaibigang Donna Cruz, Regine Velasquez at Mikee Cojuangco.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang supporters ng tatlo na magkakaroon din ng part 2 ang blockbuster movie nilang DoReMi (1996) na kumita ng P170 million matapos ang isang buwan sa mga sinehan.

Matagal na ring sinasabi ng Asia’s Songbird at nina Donna at Mikee na dream come true kung mabibigyan sila ng chance na magsama-sama uli sa isang proyekto.

Muling na-excite ang fans ng tatlong celebrities nang mag-post si Donna sa social media ng mga litrato nila ni Mikee nang magkita sila sa Cebu kamakailan. Wala si Regine sa nasabing event kaya nag-request si Donna sa kanyang followers.

“Patulong naman po mag photoshop kay Reg sa mga pictures na ito o! Di kaya ng powers ko hahaha!

“So happy at nagkita naman kami ni Mikes. Kelan kaya mabubuo kami na 3 na ganito at walang work kungdi kain, tawanan, kantahan, picture picture at chikahan lang?

“But so happy and thankful na nagkita tayo ulit magkasunod kahit hindi sabay at nakabisita kayo dito sa Cebu. Nakakamiss kayo sobraaaa!!!

“Thanks Mikes! Thanks again Reg (insert pa ang photo maghanap pa ako haha)! Love u both!!! #sistersbyheart #domi #doremi #friendsforever #stopinthenameoflove #stopstopstopstopstop.”

Ilang beses nang nag-reunion ang tatlo sa mga programa ni Regine sa GMA, una na nga sa Full House Tonight na sinundan ng guesting nina Mikee at Donna sa Sarap Diva at sa “R3.0” ng Songbird noong October, 2017.

Sa panayam namin kay Regine, wala pa naman daw offer sa kanila na gumawa uli ng pelikula pero exciting daw kung magkakaroon nga ng follow-up or part 2 ang “DoReMi”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sabi naman ni Donna sa isang interview? “Nakakatuwa dahil gusto pa rin ng mga tao na mapanood kaming tatlo. Peri kasi minsan, pag umaasa ka, nag-e-expect ka, madi-disappoint ka lang.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending