PIA-Cordillera workers na-evict dahil sa resthouse na nais ni ES Medialdea

By Bella Cariaso April 01,2018
share this

PIA-Cordillera workers na-evict dahil sa resthouse na nais ni ES Medialdea

By Bella Cariaso April 01,2018
share this

KAMAKAILAN ay pinalayas ang mga empleyado ng Philippine Information Agency (PIA) Cordillera sa kanilang opisina sa Baguio City para bigyang daan ang itatayong resthouse ni Executive Secretary Medialdea.

Makalipas ang ilang dekada at ilang pangulo na dumaan, napaalis sa sarili nilang tanggapan ang mga manggagawa ng PIA-Cordillera matapos ang eviction notice mula kay Medialdea.

Matapos mapaalis, walang nagawa ang mga government workers na apektado kundi magrenta ng kanilang pansamantalang magagamit bilang opisina matapos ngang ma-evict sa kanilang gusaling inookupahan.

Ang tanging paliwanag ng Malacañang, mabibigyan naman ng bagong lugar ang mga na-displace na empleyado, ngunit nabigong magkomento kung bakit pinaalis ang mga empleyado para lamang sa vacation house ni Medialdea.

Takot magsalita ang mga opisyal kaugnay ng isyu dahil takot makabangga si Medialdea.

Ano kaya ang paliwanag ni Medialdea sa gustong ipatayong resthouse?

Maaari niya kasing sabihin na hindi lamang siya ang makikinabang sa nais na resthouse kundi ang susunod na mga uupong executive secretary ngunit kung titingnan, bukod sa apat na taon na lamang siya sa kanyang termino, kung hindi na mapapalawig pa ang termino ng administrasyon, wala namang nakikitang kadahilanan para magtayo ng resthouse para sa kanya.

Kaawa-awa tuloy ang mga empleyado ng PIA sa Baguio City na animo’y tinanggalan ng bahay makalipas ang ilang dekada.

Buti sana kung bago pinalayas ay may lilipatang mas maayos na lugar ang mga empleyado.

Batay mismo sa pag-amin ng isang opisyal, gagastos ng P10 milyon hanggang P15 milyon para sa pagpapatayo ng bagong opisina ng PIA sa Baguio City, hindi pa kasama rito ang lupang pagpapatayuan.

Ipinarating na kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go ang isyu para itanong kundi ito taliwas sa pagnanais ni Pangulong Duterte na simpleng lifestyle ngunit ang tanging sagot pa lamang niya ay magtatanong siya hinggil dito.

Lumalabas na napaka makapangyarihan ni Medialdea na kaya niyang mapaalis ang mga empleyado ng gobyerno sa kani-kanilang opisina kung nanaisin niya.

Pag-aari ng gobyerno at hindi ninuman ang mga gusali na inookupahan ng mga empleyado ng pamahalaan at galing sa buwis na binabayaran ng bawat Pinoy at hindi pag-aari ng mga nanunungkulan sa gobyerno.

Sa ganitong muscle-flexing ng isang opisyal sa kapwa opisyal ng gobyerno, ang higit na apektado ay ang mga empleyado ng pamahalaan.

Kung nais talaga ni Medialdea ng resthouse sa Baguio City, bakit hindi na lamang siya magpatayo ng sariling gusali nang hindi kailangang maapektuhan ang mga kaawa-awang rank-and-file, bukod pa sa tanong kung kailangan nga ba ito gayong ang pinagseserbisyuhan naman niya ay ang Malacañang sa Maynila.

Nakarating na kaya kay Pangulong Digong ang isyu at ano kaya ang naging komento niya hinggil rito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending