Gerald gustong iparanas kay Bea ang buhay promdi | Bandera

Gerald gustong iparanas kay Bea ang buhay promdi

|April 01,2018
facebook
share this

Gerald gustong iparanas kay Bea ang buhay promdi

- April 01, 2018 - 12:01 AM


SO, tsismis lang talaga ang kumalat na balitang naghiwalay na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo nang dahil kay Pia Wurtzbach.

May chika kasi na nagselos daw si Bea sa leading lady ng kanyang dyowang si Gerald sa pelikulang “My Perfect You”. Nag-ugat ang nasabing tsismis nang i-unfollow ni Bea sa Instagram sina Gerald at Pia.

Dagdag pa rito, tinanggal din daw ni Bea sa kanyang IG account ang poster ng “My Perfect You”.

Pero matapos ngang mag-post ang beauty queen-actress sa social media ng mga sweet photos nila ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger, nagpahayag naman si Gerald na okay na okay pa rin sila ngayon ni Bea.

Sa nakaraang panayam ng Tonight With Boy Abunda sa Kapamilya hunk actor, sinabi nitong nag-enjoy din daw si Bea sa movie nila ni Pia, “Nanood siya last week and nag-text siya, sobrang nagustuhan niya iyong movie.”

Samantala, kung mabibigyan ng chance, nais dalhin ni Gerald si Bea sa kanilang lugar sa General Santos City. Nais daw niyang ma-experience ng kanyang girlfriend ang simpleng buhay sa probinsya.

Hindi pa raw kasi niya nadadala sa Gen San si Bea, “Oo, e. Hindi pa. Natatakot ako sa nanay niya kasi medyo hot spot sa GenSan.”

Pagpapatuloy pa ni Gerald, “Gusto kong ma-expose siya sa ganoon. Gusto kong makita niya iyong provincial life, kung paano kami sa probinsya, iyong ganoong kasimple. Makita niya kung saan ako galing.

“Kasi, lagi kong kinukuwento sa kanya, so kapag nakita naman niya, iba naman yung nakita mo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending