Ang Probinsyano hanggang Hunyo pa; Jolo pasok na rin sa serye ni Coco | Bandera

Ang Probinsyano hanggang Hunyo pa; Jolo pasok na rin sa serye ni Coco

Cristy Fermin |April 01,2018
facebook
share this

Ang Probinsyano hanggang Hunyo pa; Jolo pasok na rin sa serye ni Coco

Cristy Fermin - April 01, 2018 - 12:20 AM

 

NAKAKATUWANG malaman na papasok na rin pala sa Ang Probinsyano si Vice-Governor Jolo Revilla.

Malaki ang utang na loob ni Coco Martin sa dalawang sikat na aktor, sa namayapang si Fernando Poe, Jr., at kay dating Senador Ramon Revilla, Sr. dahil sa pinagbidahan nitong serye nu’ng 2010 na hango sa mga agimat ng matandang Revilla.

Mga anak na ng mga sikat na action stars ang mapapanood ngayon sa serye ni Coco na sa June pa magtatapos. Nandu’n na si Mark Anthony Fernandez, madadagdag pa si Vice-Governor Jolo Revilla, lalong bibigat ang casting ng matagumpay na serye ng Dos.

Kapag pinanonood namin ang Sana Dalawa Ang Puso na pinagbibidahan ng napakagandang si Jodi Sta. Maria ay naaalala namin ang vice governor ng Cavite.

Habambuhay talagang mamahalin ng aktor-pulitiko si Jodi, maraming problema na ang kanilang pinagdaanan, pero sa bandang huli ay sila pa rin.

Kundi lang sa pagpapawalang-bisa ng kasal nina Jodi at Pampi Lacson na napakatagal na nilang hinihintay ang resulta ay siguradong matagal nang kasal sina Jodi at Vice-Governor Jolo.

‘Yun ang maitururing na tunay na pagmamahalan, bagyuhin man ng ilang beses ang kanilang relasyon ay para pa rin sa isa’t isa, walang bumibitiw sa kanilang mga pangako.

Harinawang malibre na si Jodi Sta. Maria para makapagbuo na sila ng sariling pamilya ni Vice-Governor Jolo Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending