KC umaming may offer sa ibang tv network, lalayasan na ba ang ABS? | Bandera

KC umaming may offer sa ibang tv network, lalayasan na ba ang ABS?

Reggee Bonoan |April 01,2018
facebook
share this

KC umaming may offer sa ibang tv network, lalayasan na ba ang ABS?

Reggee Bonoan - April 01, 2018 - 12:05 AM

KC Concepcion

INAMIN ni KC Concepcion sa panayam ng ABS-CBN na totoong may natatanggap siyang offer mula sa ibang TV Network.

Pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang final decision tungkol sa napabalitang paglayas niya sa ABS-CBN.

“Yes naman. Nagpapasalamat talaga ako na meron (offer mula sa ibang istasyon). Pero very careful lang talaga ako sa sasabihin ko because ayoko din magbitaw ng salita na ‘di pa naman talaga totally sure,” pahayag ng dalaga sa nasabing interview.

Ipinaliwanag din ng anak ni Megastar Sharon Cuneta kung bakit kailangan niyang mamahinga muna sa mundo ng showbiz.

“Kailangan ko rin talaga mag-focus sa business, at sa iba ko pang gusto, kasi kailangan kilalang-kila mo sarili mo pag babalik ka sa showbiz kasi napakaraming expectation at pressure. Pero sabi ko nga, dito na ako ipinanganak. Lahat din ng babae sa pamilya namin is nandito sa work na ‘to. So ‘di ko na maaalis sa buhay ko,” paliwanag ng dalaga.

Siniguro rin ni KC na hindi siya mawawala sa showbiz industry, “Of course, it’s something na talagang babalikan ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending