Heart tapang-tapangan sa paglaban sa mga bully, pero naduwag naman daw kay Marian | Bandera

Heart tapang-tapangan sa paglaban sa mga bully, pero naduwag naman daw kay Marian

Cristy Fermin |March 28,2018
facebook
share this

Heart tapang-tapangan sa paglaban sa mga bully, pero naduwag naman daw kay Marian

Cristy Fermin - March 28, 2018 - 12:10 AM


NANG-IMBITA ng atensiyon ng publiko ang nilalaman ng Instagram Live Chat ni Heart Evangelista.

Ang pinakabuod ng kanyang kuwento ay hindi na raw siya natatakot kahit kanino at sa kahit ano ngayon.

Ikinuwento ng aktres ang kanyang karanasan nu’ng bata pa siya, nagkaroon daw siya ng trauma, natatakot na raw siyang lumabas ng bahay dahil sa sobrang takot.

Ang pinakapinag-interesan ng publiko ay ang kanyang kuwento tungkol sa isang aktres na nagkulong sa kanya sa isang kuwarto, pinagbantaan daw siya nito, tinakot pang pasisiraan sa mga tagasuporta ng babaeng personalidad.

Wala raw siyang planong manira, inilabas niya ang mga karanasang ‘yun para magbigay ng lakas ng loob sa mga taong binu-bully, hindi raw dapat basta manahimik na lang ang mga taong nakakaranas ng ganu’ng pagti-trip ng ibang tao.

Plano raw niyang magdemanda nu’n, pero hindi na lang niya itinuloy, dahil ayaw niya ng gulo. Ang karanasang tinutukoy ni Heart ay naganap pitong taon na ang nakaraan.

Open-secret sa mundo ng showbiz ang kuwentong pinasadahan ni Heart. Matagal nang kuwento ‘yun, kinompronta diumano siya ni Marian Rivera, dahil sa pagseselos nito.

Pero walang binanggit na pangalan si Heart sa kanyang kuwento, iniwasan niyang banggitin ang pangalan ni Marian Rivera, kahit pa lahat ng nakapanood ng kanyang paglalantad ng saloobin ay naniniwalang ang misis ni Dingdong Dantes ang kanyang tinutukoy.

Pagkatapos pagpistahan ang kanyang salaysay tungkol sa paksa ng pambu-bully ay may nagtanong sa kanya kung bakit hindi niya pinangalanan si Marian Rivera.

Ang sagot ni Heart Evangelista, “I didn’t mention any names because this isn’t about her.”
Mamatey?

q q q

Dahil sa kanyang rebelasyon ay inuupakan ngayon sa social media si Heart.

Natural, umalsa ang tagapagtanggol ni Marian Rivera, kung talaga raw matapang ang aktres ay pinangalanan dapat niya si Marian Rivera bilang babaeng tinutukoy niya na nagkulong sa kanya sa kuwarto.

May mga nagpapalagay rin na ngayon pa lang ay sinisiraan na niya si Dingdong dahil malakas ang ikot ng balita na tatakbo itong senador sa darating na eleksiyon.

Saka pitong taon na raw ang nakararaan mula nang maganap ang kuwentong sinasabi ni Heart, pero bakit ngayon lang siya nagsiwalat ng kanyang katapangan?

Ano raw ba ang gustong ipahiwatig ni Heart Evangelista sa kanyang ginawa, na hinding-hindi na siya papayag uling magpa-bully kay Marian, dahil senador ang kanyang mister?

Hinahamon ngayon ng mga tagahanga ni Marian si Heart na magpakadiretso. Huwag daw niyang gawing blind item kung sino ang aktres na nam-bully sa kanya nu’n.

I-edit daw ni Heart ang kanyang Instagram Live Chat, pangalanan niya kung sino ang nanakot sa kanya, magpakatapang siya, hindi ‘yung ganyan na nagtatago lang siya sa ilalim ng isang blind item, ‘yun ang hamon sa kanya ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang ganda na raw sana ng kanyang rebelasyon, pero nawalan pa ng saysay, dahil may bumara sa kanyang lalamunan sa hindi pagbibigay ng pangalan ng aktres na nam-bully sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending