Kathryn walang reklamo sa trabaho, kahit sugat-sugat na | Bandera

Kathryn walang reklamo sa trabaho, kahit sugat-sugat na

Cristy Fermin |March 27,2018
facebook
share this

Kathryn walang reklamo sa trabaho, kahit sugat-sugat na

Cristy Fermin - March 27, 2018 - 12:01 AM


HABANG papunta sa airport ay nag-text sa amin ang isang malapit na kaibigan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na si Ogie Narvaez Rodriguez. Ibinigay nito sa amin ang schedule ng mga shows ng KathNiel sa Amerika.

Du’n na rin magdiriwang ng kanyang kaarawan si Kathryn, sasamantalahin na ng kanilang pamilya ang bakasyon, dahil pagbalik ng sikat na loveteam ay meron na silang gagawing pelikula.

Makapamilya si Kathryn, basta may libre siyang panahon ay prayoridad ng magandang dalaga ang kanyang mga magulang at kapatid, nagba-bonding sila dahil minsan-minsan lang silang nagkakasama-sama dahil sa higpit ng kanyang schedule.

At aminado si Kathryn na takot siya sa kanyang mga magulang, takot ‘yun na punumpuno ng respeto, kaya pinakikinggan niya ang mga payo ng parents niya.

Kuwento nga ni Ogie Narvaez Rodriguez, “Tingin lang ni Tita Min, kuha na agad ni Kathryn ang ibig sabihin. Ganu’n siya ka-aware, kilalang-kilala niya ang mga galaw ng mommy niya.

“Kaya pagdating sa ugali, e, walang makapagsasabing kulang sa breeding si Kath. Maayos ang pagsubaybay sa kanya ng pamilya niya, mabait na bata si Kathryn,” kuwento ng kaibigan ng pamilya.

Papuri naman ng produksiyon na nakakatrabaho ng dalaga ay hindi siya mareklamo, pinagagaan niya ang problema, hindi niya pinalalala.

Sabi ng aming kausap, “One time, e, nasugatan siya sa isang eksena ng La Luna Sangre. May kalaliman din ang sugat niya, pero wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya.

“Napakabait na bata. Ang sarap niyang katrabaho, napaka-humble ni Kathryn at marespeto siya sa lahat,” kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending