Kris Bernal nilait ng bashers: Tuyot, parang nanganak na! | Bandera

Kris Bernal nilait ng bashers: Tuyot, parang nanganak na!

Alex Brosas |March 26,2018
facebook
share this

Kris Bernal nilait ng bashers: Tuyot, parang nanganak na!

Alex Brosas - March 26, 2018 - 06:23 PM

KRIS BERNAL

MULI na namang na-bash ang Kapuso star na si Kris Bernal.

Nag-post kasi siya ng bikini photos sa kanyang Instagram account which had netizens yakking about her REED-THIN body. Marami ang nagulat sa sobra niyang kapayatan even though she denied with seeming VEHEMENCE in an interview na she’s anorexic.

“Skin and bones na lang naiwan.”

“Ganda mo pero parang buto’t balat na lang katawan mo.”

“Dapat may konting laman pag sobrang payat pangit tingnan, mukhang matanda.”

“Sobrang payat naman ni Kris, ok pa yung dati niyang katawan mas maganda. Nagmuka siya malnuris.”

“Dati guztong guzto ko si Kris ganda kc ng mukha ngayon hindi na, sobrang payat parang konting hangin lang liliparin na sya tsaka parang tuyot tingnan sa TV. Parang nanganak na.”

‘Yan ang hanash nila against Kris. Merong pahabol na reaction as one guy said, “Retokada”.

Sinagot naman ito ng fan ni Kris ng, “Inggit ka lang kasi cya may pera para sa retoke ikaw meron ba d wala kaya ingget ka dba aminin mo na sa lahat artista po kung ano gusto gawin sa katawan nila wala ikaw o sino man makikialam.”

Dati nang issue ang pagpaparetoke ni Kris ng kanyang dibdib. Obvious na obvious ang kanyang malaking boobs na hindi proportional sa kanyang katawan. Nagmukha tuloy siyang katawa-tawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending