Horoscope, March 24, 2018 | Bandera

Horoscope, March 24, 2018

Madam Sophia |March 24,2018
facebook
share this

Horoscope, March 24, 2018

Madam Sophia - March 24, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang pumapasok ang tag-araw, magsisimula ng pumabor ng pumabor sa iyo ang suwerte at magagandang kaparan, basta lagi ka lang magsusuot ng kulay na lilac at pula. Sa pag-ibig, sa araw na ito magugulat ka, darating ang isang kakaakit-akit na Libra. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.”

Aries – (Marso 21-April 19) — Kahit may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang darating. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalong kulay “red” siya ang magiging pampasuwerte mo habang buhay. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag makuntento sa pag-tunganga! Ngayong malapit na ang Holy Week simulan ang pagninilay. Sa pagpapakabanal mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Kung hindi ka magpapabago-bago ng isipan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ganon din ang gawin, ibuhos ang todong pagmamahal sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing sari-saring gulay at sariwang mga prutas upang lalo pang maging healthy ang pangangatawan. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kaiinggitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin! Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Aries. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit maraming trabaho kailangang maglibang. Aanhin mo ang bulto-bultong halaga ng salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang swimming sa gilid ng dagat. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi natatapos ang problema, subalit kusa namang lumilipas. Ituloy mo lang ang nasimulang dagdag na pagkakakitaan, malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, ito ang panahong upang magkasarilinan kayo ng iyong kasuyong hiling ng hiling. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag pag-alinlanganan ang sariling kakayanan! Ituloy mo lang ng ituloy ang lahat ng balak mo na pagkakakitaan, makikita mo papabor na ng papabor sa iyo ang kapalaran. Sa pag-ibig, kausapin ang sarili sa harap ng salamin: “Ako ngayon ay may pambihirang kagandahan, maaakit ko ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran.” palad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi ang panlabas na anyo ang mahalaga! Kahit pangit ang kasuyo, suwerte ka pa rin dahil sunod lang siya ng sunod sa lahat ng iyong mga inuutos sa kanya. At alam mo bang ang kasuyo mong ito na sobrang masununirin ang tunay na nagbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran? Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Black at apple green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, masusuong ka na naman sa mga problemang may kaugnayan sa pakikipag-relasyon. Maiiwasan ang ganong kapalaran, kung pipili ka ng iibiging hindi sikat, pero mabait at susunod lang ng susunod sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang kapaligiran. Kapag malinis na malinis ang iyong ginagalawan, lalo kang susuwertehin at yayaman. Sa pag-ibig isang Cancer ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending