Yassi kay Alyanna: Hirap na hirap na siya! | Bandera

Yassi kay Alyanna: Hirap na hirap na siya!

Reggee Bonoan |March 24,2018
facebook
share this

Yassi kay Alyanna: Hirap na hirap na siya!

Reggee Bonoan - March 24, 2018 - 12:05 AM


TULAD ng mga netizens at ng viewers, nagulat din daw si Yassi Pressman sa naging twist sa istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano, lalo na sa relasyon ng karakter niya bilang Alyanna kay Cardo (Coco Martin).

“Nakakagulat po ‘yung mga nangyari sa kwento namin pero part po siya ng isang malaking plano, na napakasaya po namin na nandiyan pa rin ‘yung mga nanonood sa amin at sobrang naapektuhan sila kasi kahit po kami noong sinu-shoot namin, sobrang natural na ‘yung sakit na nararamdaman namin kasi mahal talaga namin ‘yung characters namin,” paliwanag ni Yassi sa panayam ng ABS-CBN.

Sinagot din ni Yassi ang tanong kung ano ang masasabi niya sa naging desisyon ni Alyanna na iwan na si Cardo, “Para maintindihan si Alyana ang dami na niyang beses na muntik na siyang mamatay.

“Pero lahat ng ‘yun kaya niyang tanggapin dahil mahal na mahal niya si Cardo pero marami ng beses na sinakripisyo niya lahat wala naman si Cardo sa tabi niya na matagal. Mag-iisang taon na rin sa show po pero sa buhay po nila mas mahaba pa ‘yung tinagal sa pagkawala ni Cardo,” paliwanag pa ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Feeling lang niya sobrang alone lang siya at hirap na hirap na rin siya. Ngayon nakakangiti na rin siya ulit pero pag nakikita niya si Cardo bumabalik lahat. Nahihirapan siya kaya mas gusto niyang hindi makita si Cardo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending