Joshua sa bashers: Hindi n'yo ako mapapabagsak! | Bandera

Joshua sa bashers: Hindi n’yo ako mapapabagsak!

Ronnie Carrasco III |March 24,2018
facebook
share this

Joshua sa bashers: Hindi n’yo ako mapapabagsak!

Ronnie Carrasco III - March 24, 2018 - 12:20 AM


MAANGAS o assertive lang?

Isang malinaw na conundrum ang dating sa amin ng reaksiyon ni Joshua Garcia nang malantad ang umano’y pakikipagharutan niya sa isang netizen.

Fusing the above modifiers together to coin a single word, “maangas-sertive” ba ang dating ni Joshua nang bumuwelta siya ng, “You can never put a good man down!”?

Being good is relative. Maraming connotations may be gleaned from what sounds like a categorical assertion.

Kung sa pagiging aktor, walang dudang Joshua is good, even far better than most actors his age. Family values ingrained sa kanyang pagkatao ay masasabi ring good.

Dahil nagmula sa pamilyang ‘di gaanong nakakaangat sa buhay, one good thing about Joshua is that he never stopped dreaming. At hindi lang siya basta nangarap, he works so hard to fulfill his dream.

‘Yun na nga ang konteksto ng aming argument here. Eto ang isang kabataang punumpuno ng pangarap whose exceptional talent has made him achieve his goal, pero sa isang iglap (o pagkakamali?), would he want to see the fruits of his hard work go rotten?

Saka simple lang ang hiningi ng pagkakataon makaraang masukol siya, either umamin siya at mag-apologize kay Julia Barretto at sa kanilang mga fans or issue a flat yet unconvincing denial.

Ano ka’t meron pa siyang “You can never put a good man down!” na nalalaman, thus skirting the issue para sa kanyang palusot.

Regardless of the circumstance, totoo namang hindi mo maibabagsak ang isang magaling na tao. We know that, right?

But the printed words (ang lagay, hindi pa inusal ng bibig niya, ha?) reek of sheer arrogance.

Gaano na ba katagal si Joshua sa industriya? Ilan na bang acting trophies ang naiuwi niya? Sinu-sino na bang mga batikang direktor ang nakatrabaho niya? Napansin na ba ng mga international film festivals ang akting niya sa mga pelikulang kanyang nagawa? May mga seasoned o veteran co-actors na ba siyang nakatrabaho who have validated what a damn good actor he is na nanglalamon sa isang eksena nang buhay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung ang sagot sa lahat ng tanong na ito’y hindi, hindi pa, wala o wala pa, then ito lang ang masasabi namin kay Joshua Garcia: “You can never put your foot down!”
Sa ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending