Coney Reyes kinilig kay Alden, walang keber na nagpaka-fan girl; Maine love ng mga titas | Bandera

Coney Reyes kinilig kay Alden, walang keber na nagpaka-fan girl; Maine love ng mga titas

Jun Nardo |March 23,2018
facebook
share this

Coney Reyes kinilig kay Alden, walang keber na nagpaka-fan girl; Maine love ng mga titas

Jun Nardo - March 23, 2018 - 12:55 AM

CONEY REYES AT ALDEN RICHARDS

NAGPAKA-FAN girl ang premyadong aktres na si Coney Reyes nang makita si Alden Richards.

Kinilig at hindi pinalampas ni Coney ang pagkakataong magkaroon sila ng picture together ng Pambansang Bae.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Coney ang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Alden.

“Guess who I saw today??? #aldenrichards,” caption ni Ms. Coney Reyes sa kanyang IG photo.

Samantala, habang hindi pa nagsisimula ang bago niyang serye at pelikula, may pasiklab naman ang GMA Records para sa Pambansang Bae. Pero pahulaan pa kung anong paandar ang handog niya sa bagong album.

Samantala, excited na si Alden sa pupuntahan niyang acting workshop sa US pagkatapos ng Holy Week under New York-based acting coach na si Anthony Vincent Bova.

Naka-attend na siya noon sa workshop ni Bova which was organized by GMA Artist Center, pero feeling niya kulang pa ang natutunan niya kaya gusto niyang magkaroon ng one-on-one session.

“Kaya po after ng Toronto show namin, pupunta na ako ng New York to attend the workshop, at least two days,” sey pa ni Alden.

Sa panig naman ni Maine Mendoza, binigyan siya ng 5th birthday party ng The Mommies and Titas of Alden and Maine kamakailan, “Nakakataba ng puso,” tweet ni Meng sa nagbigay sa kanya ng mga bonggang birthday parties.

Anyway, mapapanood ang Phenomenal Star sa Wednesday episode ng Eat Bulaga Lenten drama specials kasama si Vic Sotto na “Taray ni Tatay” habang si Alden ay makikipagbuno sa aktingan sa episode na kasama sina Joey de Leon at Tirso Cruz III.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending