Juancho pinarusahan na ng GMA 7; dapat lang ipako sa krus ngayong Semana Santa | Bandera

Juancho pinarusahan na ng GMA 7; dapat lang ipako sa krus ngayong Semana Santa

Cristy Fermin |March 23,2018
facebook
share this

Juancho pinarusahan na ng GMA 7; dapat lang ipako sa krus ngayong Semana Santa

Cristy Fermin - March 23, 2018 - 12:45 AM

JUANCHO TRIVINO AT ALDEN RICHARDS

KUNG totoo ang mga kuwentong kumakalat ngayon na sinuspinde ng pamunuan ng GMA 7 si Juancho Trivino ay tama lang ang ginawang desisyon ng network.

Dapat lang patawan ng suspensiyon ang ginawang kabastusan ni Juancho kay Alden Richards, sa kahit anong anggulo man tingnan ay sertipikadong kabastusan ang ginawa ng tinatawag ngayong starlet male personality na pamamakyu sa Pambansang Bae, hindi dapat pinalalampas ang ganu’ng klase ng kaangasan.

Ano nga kaya ang masamang nakain ni Juancho nu’ng araw na ‘yun para pagdiskitahan niyang ngaratan ang walang kabuhay-buhay na standee ni Alden?

Kapag ipinagdiinan niyang wala ay ano siya, sira-ulo, na gagawa ng isang kabastusang wala naman pala siyang motibo? At kung hindi nga para kay Alden ang pamamakyu niya ay para kanino ‘yun?

‘Yan ang mahirap sa mga personalidad na may kakambal na kaangasan ang pag-uugali, akala nila ay malulusutan nila ang lahat ng mga kalokohang pinaggagagawa nila, ano ngayon ang napala ni Juancho?

E, di lumalangoy siya ngayon sa swimming pool ng apdo mula sa mga nagngangalit na tagapagtanggol ni Alden Richards? Tilad-tilad na mapaklang ampalaya rin ang ipinakakain sa kanya ngayon dahil sa pagpapalutang niya ng hindi kagandahang asal?

Isang maling hakbang lang ang katapat ngayon ng masarap na pangarap ng mga personalidad. Paano makakalimutan ng publiko ang dalawang daliring pangangarat ni Juancho Trivino sa poster ni Alden Richards?

Pasalamat siya at tinanggap ni Alden ang kanyang pagso-sorry, hindi na pinalaki at pinahaba pa ng mapagkumbabang singer-actor ang kontrobersiya, pero si Alden lang ‘yun.

Para sa mga tagahanga at tagadepensa ng Pambansang Bae ay dapat lang ipako sa krus ngayong Semana Santa ang nambastos sa kanilang idolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending