McCoy sa suspension kina Bugoy at Jon: May reason ang Hashtags! | Bandera

McCoy sa suspension kina Bugoy at Jon: May reason ang Hashtags!

Ervin Santiago |March 22,2018
facebook
share this

McCoy sa suspension kina Bugoy at Jon: May reason ang Hashtags!

Ervin Santiago - March 22, 2018 - 12:01 AM

MAY matinding rason kung bakit pinatawan ng “indefinite suspension” sa It’s Showtime ang dalawang miyembro ng grupong Hashtags na sina Jon Lucas at Bugoy Cariño.

Nakausap namin ang isa pang member ng Hashtag na si McCoy de Leon kamakailan nang bumisita kami sa taping ng Primetime Bida series na The Good Son kasama ang ilan pang entertainment editors and writers.

Ang kumakalat na chika, nakabuntis diumano sina Jon at Bugoy at habang inaayos daw ng management ang isyung ito ay hindi muna sila makakapag-report sa Showtime.

“Sa amin naman po kasi, may rason kung sakaling totoo nga po yung nangyari, may rason naman po. May reason yung management (suspension), may reason din kami. May reason din yung family,” paliwanag ni McCoy.

Dugtong pa ng binata, “Siguro ano, sa nangyari po sa kanila, nagrespetuhan naman po ng desisyon kung may nangyari man.”

Nang hingan namin ng mensahe si McCoy para kay Bugoy, ito ang kanyang sinabi, “Gusto ko sabihin sa kanya, nandito kaming mga kaibigan mo. Kung sakaling magkaproblema man o wala, palagi kaming nandito, lalo na yung mga kagrupo niya, mga kuya niya sa Showtime, sa Hashtags. Nandito lang kami nag-aantay sa kanya.”

Samantala, napakalaki na ng improvement ni McCoy pagdating sa pag-arte, pati na rin ang kanyang ka-loveteam na si Elisse Joson. Sabi nga ng binata, kailangang galingan din nila sa bawat eksenang ginagawa nila sa The Good Son para hindi sila mapahiya sa kanilang co-stars at sa mga viewers.

Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng The Good Son sa Primetime Bida at alamin kung sino talaga ang guilty!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending