Maangas na lalaking starlet basag na basag; lumabas din ang tunay na kulay | Bandera

Maangas na lalaking starlet basag na basag; lumabas din ang tunay na kulay

Cristy Fermin |March 22,2018
facebook
share this

Maangas na lalaking starlet basag na basag; lumabas din ang tunay na kulay

Cristy Fermin - March 22, 2018 - 12:15 AM


KAILANGAN lang talaga ng isang insidente para lumutang ang itinatagong ugali ng isang tao.

Oras na nabuksan ‘yun ay lalabas na nang sunud-sunod ang kanyang kakaibang ugali na kinaya lang niyang itago nang mahabang panahon.

Pinagpipistahan ngayon kahit saan, lalo na sa social media, ang isang starlet na male personality na naging maganda ang imahe nu’ng nagsisimula pa lang siya.

Kuwento ng isang miron, “Okey naman ang attitude niya nu’ng una, nagagawa kasi niyang itago ang kaangasan niya. Pero kilalang-kilala siya ng mga taong matagal niyang nakasama sa school.

“Walang maitatago ang aktor-akturang ito sa mga taong nakakakilala sa kanya mula ulo hanggang paa, hinid niya puwedeng paniwalain sa pagbabait-baitan niya ang mga taong ‘yun dahil mga bagets pa sila, e, kilalang-kilala na nila sa pagiging maepal at maangas ang male personality,” simulang kuwento ng aming source.

Pero malalantad talaga ang tunay na ugali ng isang tao sa katagalan. Tulad na lang ng starlet male personality na kontrobersiyal ngayon dahil sa ginawa niyang pambabastos sa isa niyang kasamahan.

“Kitam? Maraming masaya dahil pagkatapos nga namang magbait-baitan si ____ (pangalan ng starlet male personality), e, lumabas din ang totoong siya! At hindi ibang tao ang naglabas ng ugali niya, siya mismo, kaya wala siyang masisising ibang tao sa kalokohan niya!

“E, di lumabas din ang totoo niyang ugali! Talagang maangas na ang lalaking ‘yun kahit nu’ng hindi pa siya nag-aartista. Guwapong-guwapo siguro siya sa sarili niya, kaya napakahilig niyang mang-bully!

“Super-bully ang lalaking ‘yun, palagi niyang kinakawawa ang mga kaklase nilang kulang sa itsura. Masyado siyang conceited! Akala mo naman siya regalo ng langit sa lupa para pagpistahan ng mga kababaihan!

“O, ano siya ngayon, di ba’t para siyang ewan nu’ng pagpistahan siya sa social media nang mabulgar ang tunay niyang ugali? Ano ang masasabi niya ngayon, maitatago pa ba niya ang tunay niyang attitude?

“Siya ang dapat makatikim ng ginawa niyang pambabastos sa isang kasamahan niyang actor, siya ang dapat ngaratan, sa totoo lang, dahil hambog siya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juice colored, may kailangan pa bang clue tungkol sa maangas na aktor-akturang ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending