Kakai sa pagbabati nila ni Ahron: Ako po ang laging nanunumbat! | Bandera

Kakai sa pagbabati nila ni Ahron: Ako po ang laging nanunumbat!

Ervin Santiago |March 22,2018
facebook
share this

Kakai sa pagbabati nila ni Ahron: Ako po ang laging nanunumbat!

Ervin Santiago - March 22, 2018 - 12:20 AM

OKAY lang sa singer-commedienne na si Kakai Bautista kung hindi na siya makapag-asawa o magkaroon ng anak.

Wala na raw sa mga top priority niya ngayon ang lovelife dahil mas gusto niyang pagtuunan ng atensyon ang kanyang pamilya at career. Nakaapat na raw siyang boyfriend na puro non-showbiz at super single raw siya ngayon and very much available.

Nakachika namin si Kakai sa nakaraang presscon ng kanyang next major concert na “KAKAI XV: The Dental Diva 15th Anniversary Concert” at dito nga niya sinabi na kung may darating na bagong lalaki sa buhay niya ay magiging maligaya siya nang bonggang-bongga, pero kung wala naman, tanggap na raw niya.

Siyempre, natanong din si Kakai tungkol sa huling lalaking na-link sa kanya, ang hunk actor na si Ahron Villena. Kung matatandaan, nagkapalitan sila ng maaanghang na salita noon sa social media dahil sa hindi malinaw na estado ng kanilang naging relasyon. Naging malaking isyu ang “paasa” at “pa-fall” na imahe ni Ahron dahil sa mga naging pasabog noon ng komedyana.

Pero makaraan nga ang ilang buwan ay nagkabati at nagkapatawaran rin ang dalawa. Sa 15th anniversary concert ba ni Kakai ay magiging bahagi ba si Ahron?

“Si Ahron po pupunta, pero hindi po siya kasali sa concert. Ako po talaga ang nagsabi na, ‘Hindi ka kasali sa concert ha, kasi gusto ko performer.’ Kawawa naman siya, pero kailangan niyang tanggapin. Manood na lang siya,” tugon ni Kakai.

Paano nga ba sila nagkabati uli ng binata? “Nagkaroon kami ng chance to see each other tapos nag-hi lang at nagyakap. Hindi ko naman siya kakausapin or hindi ko naman siya bibigyan ng chance na magkaroon kami ulit ng bonding moment kung meron pa. Wala na. It’s over and done.”

Mariin namang dinenay ng komedyana na nagbati lang sila ni Ahron dahil may producer na nag-offer sa kanila ng bonggang movie, “Okay na kami bago pa inalok ‘yung movie.

“Kahit naman may movie at ang offer ay P10 million pa, kung hindi ko naman kaya makipagtrabaho sa kanya at harapin siya, hindi ko tatanggapin. Parang nangyayari po talaga, dumadating na lang. Siguro si Lord ang may gusto,” aniya pa.

“Actually, hindi na namin actually pinag-uusapan (ang nakaraan). Ako lang ang laging nanunumbat! Ha-hahaha! Ako ‘yung laging nang-aaway. Pero in fairness naman to him, he’s been very good to me and he’s been very understanding and patient with me,” sey ni Kakai.

Nanghihinayang ba siya na hindi sila naging magdyowa ni Ahron? “Hindi, kasi we had good times. Masaya din ang memories namin together.”

Samantala, magaganap na ang “KAKAI XV: The Dental Diva 15th Anniversary Concert” sa darating na April 6 sa Music Museum na magiging isang “tribute and a trip down the memory lane.” Promise ni Kakai, gagawin niya lahat para umuwing maligaya at inspirado ang kanyang audience.

“Halu-halo na ito! Ita-try ko lahat. Magpapaka-millennial ako, ita-try kong sumabay sa mga pa-Tita na, lahat. Basta mag-eenjoy lang sila,” sey pa ni Kakai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magiging special guest ni Kakai sa concert si Maymay Entrata, X Factor UK’s JBK at ang mga kasamahan niya sa stage musicale na “Rak Of Aegis” na sina Pepe Herrera, Poppert Bernadas, Jimmy Marquez, Gold Villar, Jet Barun at Paeng Sundayan. May bonggang showdown din sila ng Birit Queen na si Jona.

This is produced by FLM Creatives & Productions and directed by Frank Lloyd Mamaril with Marvin Querido as musical director. For tickets, call Ticketworld (891-9999), Music Museum (721-6726) or visit www.ticketworld.com.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending