Jessy pasok na rin sa Probinsyano: bida o kontrabida? | Bandera

Jessy pasok na rin sa Probinsyano: bida o kontrabida?

Reggee Bonoan |March 22,2018
facebook
share this

Jessy pasok na rin sa Probinsyano: bida o kontrabida?

Reggee Bonoan - March 22, 2018 - 12:05 AM


PANIBAGONG mukha muli ang napapanood gabi-gabi sa pagpasok ng karakter ni Jessy Mendiola na magpapaigting sa puwersa ng Vendetta sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ginagampanan ni Jessy ang karakter ni Andy, isang medical doctor na tumulong na gamutin ang sugat ng miyembro ng Vendetta matapos ang engkwentro ng grupo sa kampo nina Hipolito (John Arcilla) at Alakdan (Jhong Hilario).

Karagdagan nga ang Kapamilya actress sa listahan ng mga malalaking bituin na naging parte ng bagong yugto ng serye. Natunghayan na rin kamakailan sina Dawn Zulueta, Alice Dixson, Rowell Santiago at Edu Manzano na gumaganap bilang mga maimpluwensyang pamilya na nakatakdang maging katunggali ni Cardo (Coco Martin).

Sa pagpapatuloy ng kuwento, lubos na ang pagpupunyagi nina Hipolito at Alakdan matapos nilang pulbusin ang Vendetta, at puruhan pa ang pinuno nitong si Romulo (Lito Lapid). Ngunit sa aktong ililigpit na ng mga pulis ang bangkay ng mga namatay, nagulat ang lahat ng ideklarang buhay pa si Romulo at nakaligtas mula sa pamamaril ng mga kalaban.

Ang pagkabuhay kaya ni Romulo ang tatapos sa kasamaan ni Hipolito?

Tutukan ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending