Kalabaw nanuwag; 1 patay | Bandera

Kalabaw nanuwag; 1 patay

John Roson |March 21,2018
facebook
share this

Kalabaw nanuwag; 1 patay

John Roson - March 21, 2018 - 07:19 PM
Natagpuang patay ang isang lalaki nang suwagin ng kalabaw na kinakabitan niya sana ng kariton, sa Talisay City, Negros Occidental, nitong Martes. Nadiskubre ang bangkay ni Juan Barcillo, 45, sa Hacienda Mana-ul, Brgy. Matab-ang, dakong alas-6 ng umaga, ayon sa ulat ng Negros ccidental provincial police. Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-2 ng umaga ding iyon ay kinakabitan ni Barcillo ng kariton na panghakot ng tubo ang isang kalabaw, pero bigla siyang sinuwag ng hayop.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending