James pumayat, umitim, pero wagi pa rin bilang ‘pambansang ulam’ ng mga beki | Bandera

James pumayat, umitim, pero wagi pa rin bilang ‘pambansang ulam’ ng mga beki

Ambet Nabus |March 21,2018
facebook
share this

James pumayat, umitim, pero wagi pa rin bilang ‘pambansang ulam’ ng mga beki

Ambet Nabus - March 21, 2018 - 12:55 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

KUNG ang pagbabasihan ay ang itsura ngayon ni James Reid, maniniwala ka sa mga tsismis tungkol sa umano’y pagiging “party animal” ng hunk actor.

Mas pumayat kasi ang boyfriend ni Nadine Lustre at tila umitim ito at nagmukhang pagod na pagod nang humarap sa entertainment media for the presscon of their movie “Never Not Love You”. Pero naroon pa rin ang kanyang tatak bilang Pambansang Ulam ng mga beki.

But then again, ayaw nang mag-explain ni James dahil wala rin naman daw siyang magagawa sa opinyon ng ibang tao.

“People will always have some things to say. What’s the use (of explaining)?” ganting tanong ng binata.
Sa tindi raw ng iskedyul ng aktor mula sa recording, mall shows, shooting abroad, taping and guesting, pictorials at iba pang personal na isyu, ang gusto lang daw kasing tingnan ng mga tao ay ang mga moments na naglilibang sila, nagba-bonding with friends and family and yes, yung mga out of town getaway nila ni Nadine.

Mas daring at nag-level-up na ang tema ng kanilang upcoming movie. Hindi na ito basta pakyut lang o mga roles na nagpapakilig.

“It talks about young people’s outlook on love and life and how their feelings get affected by their works and exposure. Na sa buhay, yung love madaming pagdadaanan hindi lang emosyon,” paliwanag ni James sa role nila ni Nadine latest movie nila.

Black Saturday ang napiling playdate ng Viva Films para sa “Never Not Love You”. Naniniwala naman ang JaDine na mature at nag-level-up na rin ang kanilang fans lalo pa’t kalat na naman ang totoong mga ganap nila sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending