June Mar Fajardo napiling PBA Player of Week | Bandera

June Mar Fajardo napiling PBA Player of Week

Melvin Sarangay |March 19,2018
facebook
share this

June Mar Fajardo napiling PBA Player of Week

Melvin Sarangay - March 19, 2018 - 09:45 PM


MULING ipinamalas ni four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang kanyang laki at husay matapos ihatid ang San Miguel Beermen sa 4-1 semifinal series win kontra Barangay Ginebra para umusad sa ikaapat na diretsong Philippine Cup Finals appearance noong Sabado ng gabi.

Ang 6-foot-10 sentro na si Fajardo ay nag-average ng 20.67 puntos at 12.67 rebound para mapili bilang PBA Press Corps Player of Week para sa period na Marso 13-18, kung saan pinangunahan niya ang Beermen sa mga panalo sa Game 4 at 5 na bumuhay sa hangarin nilang makuha ang All-Filipino conference “four-peat”.

Tinalo ng Barangay Ginebra sa iskor na 95-87 sa Game 3 noong nakaraang Martes, ang Cebuano big man ay nagtala ng double-double na 14 puntos at 13 rebound para pangunahan ang San Miguel Beer sa matinding ratsada sa Game 4 na naging daan para itala ng Beermen ang 102-81 pagwawagi kontra Gin Kings.

Tuluyan namang tinapos ng San Miguel Beer ang asam ng Barangay Ginebra na makapasok sa Finals matapos na ang 28-anyos na si Fajardo ay gumawa ng 25 puntos mula sa 11-of-18 field goal shooting na sinamahan pa niya ng siyam na rebound, tatlong assist at isang block sa 100-94 panalo ng Beermen sa Game 5.

Bagamat maganda rin ang mga ipinakitang laro nina Marcio Lassiter, Arwind Santos at Alex Cabagnot sa back-to-back na pagwawagi ng San Miguel Beer, nakopo pa rin ni Fajardo ang lingguhang parangal.

Hawak ang league-best na 24 PBA title, hangad ng San Miguel Beer na mapalawig ang kanilang dominasyon sa Philippine Cup kung saan nagawang maghari nito sa season-opening conference mula 2015 hanggang 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending