Iya hinamon sina Mel at Mike na maglaban sa Lip Sync Battle | Bandera

Iya hinamon sina Mel at Mike na maglaban sa Lip Sync Battle

Jun Nardo |March 20,2018
facebook
share this

Iya hinamon sina Mel at Mike na maglaban sa Lip Sync Battle

Jun Nardo - March 20, 2018 - 12:30 AM


NAUNAmuna ang pagbubuntis ni Iya Villania bago ang offer ng GMA Network na maging bahagi muli ng 3rd season ng Lip Sync Battle Philippines.

“Actually, akala ko last pa ito. Lagi naman kaming nagta-try ni Drew (Arellano) eh (magka-baby uli). Nagkataon na tumayming siya nang buntis na ako. Siguro, hinintay niya,” bulalas ni Iya sa media launch ng show.

“Hindi siya requirement, huh! Na kailangang mabuntis siya habang may show!” susog naman ni Michael V na co-host ni Iya.

Kumusta naman ang pagbubuntis niya ngayon? “Hayun buhat pa rin nang buhat!” singit ni Bitoy.

“Wala, okay naman siya, I’m enjoying it as much as I was enjoying kay Primo. Dito, mas naging mapili lang ako sa pagkain, ‘yun lang. Like sa last season ng Lip Sync Battle (buntis sa panganay na anak) dahil naging masayahin si Primo. Makakadagdag ang 3rd season ng LSBP sa happiness ko!” rason ni Iya.

Mapapanood sa April 1 ang LSBP at promise nina Bitoy at Iya mas marami silang pasabog para mga manonood gaya ng tinatawag na 3-way battle na pagdaraanan ng mga celebrity contestants.

Kung mapagbibigyan daw sila, gusto sana ni Iya na maglaban sa LSBP ang mga pambatong news anchor ng GMA, sina Mike Enriquez at Mel Tiangco na kasama niya sa 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending