Alam kaya ng dyowa niyang young actress: Kilalang male celebrity may 'kabit' na beki | Bandera

Alam kaya ng dyowa niyang young actress: Kilalang male celebrity may ‘kabit’ na beki

Cristy Fermin |March 20,2018
facebook
share this

Alam kaya ng dyowa niyang young actress: Kilalang male celebrity may ‘kabit’ na beki

Cristy Fermin - March 20, 2018 - 12:15 AM


ALAM kaya ng isang young actress ang lahat-lahat ng mga aktibidad ng kanyang boyfriend na young actor? ‘Yun ang tanong ng mga impormanteng magkakaumpukan isang gabi.

Meron daw kasing inililihim ang young actor sa kanyang karelasyon, may ginagawa raw itong siguradong hindi alam ng babae, kaya ‘yun ang gusto nilang diskubrehin.

Kuwento ng isang source, “Alam kaya ng girl na may gay friend ang boyfriend niya? ‘Yun ang pakilala niya, magkaibigan lang sila ng gay, pero siyempre, iba ang dating nu’n sa mga becki, di ba?

“Kapag sinabing gay friend, e, ‘yun na! Gay benefactor ‘yun, hindi basta kaibigan lang, kaya dapat nang magtanung-tanong ang young actress na paniwalang-paniwala pa naman na nag-iisa lang siya sa buhay ng BF niya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Sunod kuno ang mga kapritso ng lalaki sa kanyang gay friend, anumang magustuhan nito ay agad-agad na ibinibigay ng becki, kaya maraming nagtataka kung bakit puro branded ang kagamitan ng young actor samantalang maliit lang naman ang kanyang kinikita.

“Siyempre, aaminin ba naman ng guy sa girlfriend niya na bigay ‘yun ng gay friend niya? Natural, itatago niya ang totoo, wala siyang ikukuwento, kaya ang madalas niyang press release, e, ipinadadala sa kanya ng mga tita niyang nasa ibang bansa ang mga branded stuff niya!

“Sana, magkaisip din ang girl na tanungin ang boyfriend niya kung saan-saang bansa nandu’n ang mga tita niya para magkaalaman na sila, di ba? Napakabilis namang magpadala ng mga gamit ng tita niya!

“Nakita lang niya sa catalogue ngayon ang gusto niyang sapatos at mga t-shirts, kinabukasan, e, nasa kanya na agad-agad? Ganu’n ba kabilis magpadala mula sa ibang bansa?

“Naku, kailangan nang mag-imbestiga ng girl, sa totoo lang, nasa tabi-tabi lang nila ang dahilan kung bakit sunod ang layaw ng boyfriend niya!

“Napapaikutan siya, sa totoo lang, natutulog siya sa pansitan! Friend-friend kuno, pero ang totoo, gay benefactor niya ang becki! Wala kayang naaamoy man lang ang girl sa mga nangyayari?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, it’s showtime, simulan n’yo na ang panghuhula!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending