Ejay buking na, nagpapalusot pa sa kinasangkutang aksidente | Bandera

Ejay buking na, nagpapalusot pa sa kinasangkutang aksidente

Cristy Fermin |March 19,2018
facebook
share this

Ejay buking na, nagpapalusot pa sa kinasangkutang aksidente

Cristy Fermin - March 19, 2018 - 12:20 AM


NANGHINGI na ng paumanhin si EJ Falcon sa may-ari ng sasakyang nabangga ng kanyang driver, ayusin na lang daw sana nila ang problema, para hindi na lumala pa.

Maganda ang ipinamalas na pagpapakumbaba ng aktor, pero walang bumili sa kanyang dahilan na wala raw siyang naramdamang aksidente, dahil natutulog siya nang mangyari ‘yun?

Naku naman, kahit kami nang mapanood namin ang paliwanag ni EJ Falcon ay napamulagat kami, wala siyang alam na nakabangga na pala ang kanyang driver dahil natutulog siya?

Ginagawa naman ta-yong engot ng aktor na ito. E, kahit nga pumreno lang nang madiin ang driver ay nagugulat na tayo bilang pasahero, ang pagkabangga pa kaya nila ang hindi mararamdaman ng mokong na ito?

Magpapalusot pa kasi. Manong aminin na lang na malaki ang kanilang pagkakamali dahil sa halip na makipag-usap ang kanyang piloto ay tumakbo pa, kahit saang aspeto tingnan ang senaryo ay maling-mali sila, bumaba na ang kanyang driver para tingnan ang bangga ay tulog pa rin si EJ?

Tumakbo lang daw ang kanyang driver dahil sa takot na baka ito kuyugin, pero talagang wala raw siyang alam, dahil natutulog nga siya.

Hay, naku! Kaya naman pala kahit ang kanyang karera ay kung saan-saan na lang napapasuot dahil palagi siyang tulog!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending