Miguel 6 na araw binigyan ng b-day surprise si Bianca | Bandera

Miguel 6 na araw binigyan ng b-day surprise si Bianca

Jun Nardo |March 18,2018
facebook
share this

Miguel 6 na araw binigyan ng b-day surprise si Bianca

Jun Nardo - March 18, 2018 - 12:25 AM


BIG day kahapon ng Kapuso actress na si Bianca Umali dahil naganap na nga ang kanyang grand debut.

Pero bago dumating ang 18th birthday ng ka-loveteam, kada araw ay merong paandar si Miguel Tanfelix.

Nu’ng Day 1, sinorpresa ni Miguel ng 17 dozens of white roses si Bianca; sa second day, isang canvass ang iniregalo ng Kapuso young actor dahil mahilig magpinta si Bianca kapag may libreng oras ito.

Sa Day 3, isang energy box na may healthy snacks gaya ng probiotic drink, energy bar and cereals ang natanggap ng Kapuso actress. Nu’ng Day 4, ipinagluto siya ni Miguel ng paborito niyang sinigang.

Sa Day 5 ay ang naka-frame nilang picture na favourite ng aktor ang ibinigay niya kay Bianca at nitong Day 6, isang flora dress naman ang gift niya sa dalaga.

Of course, ang pinaka-winner na regalong natanggap ni Bianca ay ang paghataw sa rating ng series nilang Kambal, Karibal na sunud-sunod na pinadapa ang katapat na programa, huh!

q q q

Unforgettable kay Max Collins ang paggawa niya ng pelikulang “Citizen Jake” na directorial comeback ng premyadong director na si Mike de Leon. Halos atakihin daw siya nang malamang si De Leon ang magdidirek sa kanya.

Kaya naman nang magkaroon ng special screening ang pelikula, naging emosyonal ang aktres habang pinanonood ito.

“Everyone worked so hard on this film and finally, after two years, the masterpiece is complete,” pahayag ni Max. “I’m definitely one lucky girl,” rason pa ng isa sa bida ng seryeng The One That Got Away ng GMA.

Bida si Atom Araullo sa “Citizen Jake” and in fairness, aprubado ng movie critics ang unang sabak niya sa acting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, patuloy na napapanood si Max sa The One That Got Away ng GMA Telebabad kasama sina Dennis Trillo, Lovi Poe at Rhian Ramos na patuloy pa ring sinusubaybayan ng Kapuso viewers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending