Ejay nag-sorry sa nakabanggaan ng personal driver | Bandera

Ejay nag-sorry sa nakabanggaan ng personal driver

|March 18,2018
facebook
share this

Ejay nag-sorry sa nakabanggaan ng personal driver

- March 18, 2018 - 12:30 AM

EJAY FALCON

HUMINGI na ng sorry si Ejay Falcon sa nakabanggaan ng kanyang driver kamakailan sa Pililia, Rizal. Aksidente raw ang nangyari at walang may gustong masaktan.

Sa report ng TV Patrol, sinabi ng Kapamilya actor na papunta siya ng taping nang maganap ang aksidente. Aniya, hindi naman daw inaantok ang kanyang driver, “Ako naniniwala na aksidente po talaga yung nangyari.”

Ayon daw kasi sa nakabanggaan nila na kinilalang si Raffy Reyes, tinakasan daw siya nina Ejay. Sabi ni Reyes, “Nakahinto po sila. Nu’ng ako naman ang papalapit sa kanila, saka namang takbo. Dun ako talagang sumama ang loob. Di ko tanggap yung iniwanan niya ako.”

Ito naman daw ang sabi ng driver ni Ejay, “Version naman ng driver ko bumaba siya ng sasakyan, pagbaba niya…may sumigaw. First time na nangyari (ito sa kanya), may sumigaw, nag-panic siya.”

Sa kabila nito, tanggap din ni Ejay ang pagkukulang nila kaya humingi na siya ng paumanhin sa nakabanggaan nila, “Humihingi po ako ng pasensiya kung nagkamali yung driver ko and kung may pagkukulang sa nangyari. Maraming salamat na lang po at walang nasaktan sa atin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending