Sikat na young male celeb playboy raw, niloloko lang ang karelasyong aktres | Bandera

Sikat na young male celeb playboy raw, niloloko lang ang karelasyong aktres

Cristy Fermin |March 17,2018
facebook
share this

Sikat na young male celeb playboy raw, niloloko lang ang karelasyong aktres

Cristy Fermin - March 17, 2018 - 12:15 AM


DAHIL kilala na nga ang young actor na ito ay inuulan na siya ng kontrobersiya ngayon. Ang napiling ipang-upak sa kanya ng mga taong hindi nagkakagusto sa young actor ngayon ay ang kanyang pagiging playboy.

Nanganak na nang nanganak ang kuwento na nagsimula lang sa pakikipagkomunikasyon niya sa isang non-showbiz girl. Ngayon ay naglulutangan na ang pagiging playboy niya, pinapangalanan na pati ang mga artistang nakarelasyon niya, makaapekto kaya ito sa pagmamahalan nila ng isang young actress?

Pagtatanggol sa young actor ng aming source, “At least, babae ang ibinubutas sa kanya, hindi kapwa niya lalaki, hindi siya becki! Malaking issue kung lalaki rin ang kinakarelasyon niya, sa totoo lang, ‘yun ang dapat niyang ikatakot!

“Pero babae ang ibinabato sa kanya, kesyo may girlfriend na siya, e, may ibang babae pang nagpupunta sa tirahan niya. Hindi siya faithful sa girlfriend niya, ganu’n ang ibinibintang sa kanya ngayon.

“But then again, babae, hindi lalaki, kaya safe pa rin ang bagets na ito!” pagdidiin ng aming source.

Pero maraming tumutuligsa ngayon sa young actor, ipinipinta siyang walang pagpapahalaga sa relasyon nila ng young actress, paano raw kaya niya lulusutan ang mga kuwentong naglalabasan ngayon tungkol sa kanya?

Kuwento naman ng isang source, “Nu’n kasing girlfriend pa niya si ____ (pangalan ng isang youngstar na girlfriend naman ngayon ng isang dancer-actor), e, nagkaroon din siya ng isa pang ka-close na girl.

“Matagal na naitago ng bagets ang kuwentong ‘yun, pero dahil nga sa pakikipag-communicate niya sa isang non-showbiz girl lately, unti-unti nang naglalabasan ang mga ginawa niyang panloloko sa mga ex niya.

“Two-timer ang ibinabato sa kanya, playboy, madaling matukso, isa raw siyang mapusok, marupok, pokpok! Naku, ang galing-galing pa naman niyang umarte, very good ang acting niya, pero talagang ganyan, lalabas at lalabas pa rin ang mga kuwentong ipangsisira sa kanya!” kuwento ng aming impormante.

Naku naman, bigay na bigay na kung sino ang young actor na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending