Horoscope, March 16, 2018 | Bandera

Horoscope, March 16, 2018

Madam Sophia |March 16,2018
facebook
share this

Horoscope, March 16, 2018

Madam Sophia - March 16, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isang kakaibang bituin ang tatanglaw sa iyong kapalaran. Malaking halaga ng salapi ang biglang matatanggap. Sa pag-ibig, isang nilalang na may birth date na 1, 10, 19 o kaya’y 28 ang magbibigay ng wagas na kaligayahan. Mapalad ang 2, 13, 25, 31, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Posse-Vindentur-Aum.” Green at yellos ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag mag-alala kung hindi nangyayari ng mabilis ang iyong mga balak. Alalahaning nagawa ang piramide sa Egypt sa mahabang panahon. Ganon din ang tagumpay, sa paisa-isa pagsisikap mararating mo rin ang pagyaman. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Pad-Me-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Habang ginaganahan, gawing mabilis ang mga bagay na noon mo pa gustong gawin. Ito ang panahon na magtatagumpay ka. Sa pag-ibig, wag ipagpaliban ang pagpaparos ng libido sa minamahal. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-Est.” Lilac at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Nangyayari ang lahat ng bagay sa takdang panahon. Ngayon na ang iyong panahon upang magsimulang magpayaman. Sa pag-ibig panahon na rin ngayon upang makipag-date sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 17, 25, 38, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Green at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Magpakasaya sa mga bagay na nasa sa iyo na, kaysa ikalungkot ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong mahina sa romansa, kasya sa walang kasuyo. Sa pinansyal, magtipid imbis na mangutang pag-kasyahin ang hawak na pera sa mga pangangailangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 43, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Orange at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ang masayang desposisyon sa buhay ang sasagap ng suwerte at magagandang kapalaran, kaya hindi ka dapat malungkot. Sa pag-ibig, wala kang ibang sasabihin sayong kasuyo kundi “Mahal na mahal na mahal kita!” Mapalad ang 9, 14, 19, 24, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vedata-Rata-Vada-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pinansyal habang lumalapit ang Mahal na Araw kusang aangat ang graph ng pag-unlad. Sa pag-ibig ay ganon din, lalong sarsap ang romansa habang painit na ng painit ang panahon. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Om.” Purple at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kakaibang uri ng pagkain at musika ang magbibigay ng suwerte. Ugaliing magpatugtog ng musika anoman ang ginagawa upang lumakas pang lalo ang enehiya. Sa pag-ibig, susulak ang libido kung laging kakain ng mga exotic food. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi dapat na ma-perfect ang bawat araw, ang mahalaga, kahit isang bagay ay may natapos ka. Sapat na ang isang halik sa pisngi ng kasuyo upang maramdaman niyang love mo pa rin siya kahit na madalas mong pinapagalitan. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Kebalam.” Violet at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, pagbigyan ng pagbigyan ang minamahal upang hindi siya magtampo. Sa negosyo, ituloy ang binabalak na kalakal, lakas ng loob ang kailangan upang lalo pang yumaman. Mapalad ang 9, 19, 27, 33, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Red at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa panahong hindi umaayon sa iyong kagustuhan ang sitwasyon, mas mainam na mag-relaks-relaks muna. Sa tabing dagat, yayain ang mahal sa buhay na mag-swimming. Sa ganyang paraan mare-recharge ang iyong enerhiya. Mapalad ang 7, 11, 25, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung hindi ka sigurado sa isang sitwasyon wag mong sunggaban, mabibigo ka lang. Sa pinansyal, iwasang mangutang dahil may babala na mababaon ka na naman. Mapalad ang 4, 18, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Balck at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — May malakas na enerhiyang hihigop sa iyo upang pumunta sa isang kakaibang lupain. Magpatangay ka sa alon ng buhay! Malaking pag-unlad ang naghihintay sa ‘yo sa ibayong dagat. Mapalad ang 7, 9, 16, 25, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Green at magenta ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending