Liza, Enrique exclusive na sa isa’t isa | Bandera

Liza, Enrique exclusive na sa isa’t isa

Reggee Bonoan |March 16,2018
facebook
share this

Liza, Enrique exclusive na sa isa’t isa

Reggee Bonoan - March 16, 2018 - 12:05 AM

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

‘Siya lang ang babae para sa akin!’

‘He’s the perfect guy for me!’

CONFIRMED! Sina Enrique Gil at Liza Soberano na.

Ito ang nalaman namin pagkatapos ng thanksgiving presscon ng seryeng Bagani kahapon.

Nabanggit kasi ni Enrique na lahat ng miyembro ng cast ng Bagani na nasa presscon kahapon ay “taken” na kaya in-assume ng entertainment media na opisyal na ang -relasyon nila ni Liza.

Sabi pa ni Quen, “Palagi kong sinasabi, kahit before pa na siya (Liza) lang, walang iba. Siya lang ang babae talaga for me.”

Ang nakangiti namang sagot ni Liza, “Exclusive! For me, he’s the perfect guy! And he’s someone who is always there for me, always there for me.”

Pero sa tanong kung kailan ang anibersaryo nila, “Huh? Wala pang date,” mabilis na tugon ni Liza.

Very open na ang magka-loveteam na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila na dati’y iniiwasan pa nila kapag kausap ang press, ayon sa aktres, “Nagma-mature na po kami.”

Samantala, muling kinumpirma ni Liza na tuloy na tuloy na ang paglipad niya bilang bagong Darna. Sa katunayan, nag-shooting na sila nitong nakaraang Miyerkules.

Sa tanong namin kung okay lang ba sa kanya na hindi si Quen ang leading man niya sa “Darna” movie, “Yes, we have our respective projects and it’s also good that not on our separate ways but we have our own work din para mag-grow kami and we get to work with different actors as well.”

Sino na ang magiging leading man niya sa “Darna”, “Actually wala pa pong final, nagka-casting pa lang sila.”

Binanggit namin ang pangalan ni Tony Labrusca, “I think yes, he’s one of the options po,” sagot ng dalaga.

Inalam naman namin kay Enrique kung okay lang na hindi siya ang partner ni Liza sa “Darna”, “Okay lang po sa akin, sinabi ko po before kung ano ang project na gagawin niya, lalo na dito sa Darna, I will support her.”

Pagkatapos ng Bagani presscon kahapon ay dumiretso sa thanksgiving mass ang buong team at cast para ipagpasalamat ang mataas na rating ng kanilang serye. Simula nang umere ito noong Marso 5 ay hindi pa ito bumababa sa 30% plus rating, ayon sa Kantar Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending