Young showbiz couple sinungaling, niloloko ang publiko

By Cristy Fermin March 14,2018
share this

Young showbiz couple sinungaling, niloloko ang publiko

By Cristy Fermin March 14,2018
share this


SA isang malaking network ay paboritong pagtsismisan ngayon ng mga production people ang isang young couple na denay nang denay tungkol sa kanilang relasyon pero buking na buking namang sila na talaga.

Wala nang maitatago ang young actor at young actress, kahit sa malayuan mo pa sila tingnan ay hindi ka na magdududa, sila na talaga kahit pa iling sila nang iling.

Kuwento ng isang source, “Sino naman ang maniniwala sa mga denials nila? E, ang girl, e, parang sawa sa pagpulupot sa guy kahit sa karamihan ng tao? Para siyang hibang!

“Nagdedenay pa siya, samantalang kapag magkasama naman silang dalawa, napakalaki ng lugar, pero nagsisiksikan silang dalawa sa pagyayakapan?

“Ang girl na ‘yun, parang palaging giniginaw kahit mainit ang panahon! Kailangang nakasiksik siya sa katawan ng boyfriend niya, napakalantad niyang magpakita ng emosyon!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Natural, nadadala na rin ng pagpapakita ng kalambingan ng babae ang young actor, kaya kapag magkasama sila ay parang napakasikip ng mundo para sa kanilang dalawa.

“Hindi mo sila makikitang basta magkatabi lang. Kailangang magkadikit sila, nagyayakapan, naglalambingan. Sino ngayon ang niloloko nila kapag ang sagot nila sa tanong kung sila na ba, e, getting to know each other pa lang ang meron sila ngayon?

“Ayayay! Kung ganyan na sila in public, e, ano pa ang ginagawa nila kapag silang dalawa na lang ang magkasama?

“Nakakaloka ang magdyowang ‘yun! Hindi pa raw sila magkarelasyon. E, ano ang tawag sa kanila, mga konserbatibo pa sila nang lagay na ‘yan?

“Nu’ng one time nga na magkaroon sila ng show, malayo ang biyahe, kaya ang mga kasamahan nila, e, natulog na para makapag-ipon ng lakas for the show that night.

“Pero ang magdyowang ito, walang ginawa kundi ang maglambutsingan sa biyahe! ‘Yun ba ang wala pang relasyon? ‘Yun ba ang magsasabing kinikilala pa nila ang bawat isa?

“One day, e, huwag na tayong magulantang kapag napabalitang preggy na ang batang ‘yun! Hindi malayong mangyari ‘yun, ‘no? Sa mga pinaggagagawa nila ngayon?

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, tandaan n’yo, #sinungaling sila!” naiinis pang pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending