Laging magkasama: Ano ba talaga ang relasyon nina Gretchen at Atong Ang?

By Cristy Fermin March 14,2018
share this

Laging magkasama: Ano ba talaga ang relasyon nina Gretchen at Atong Ang?

By Cristy Fermin March 14,2018
share this


ANG dami-daming nagtatanong sa amin, nangungulit ang mga miron, ano raw ba ang relasyong meron sina Gretchen Barretto at Atong Ang? Bakit daw silang dalawa ang palaging magkasama at hindi ang businessman na si Mr. Tony “Boy” Cojuangco?

Ayon sa isang source na nakakakuwentuhan namin ay abala raw kasi ngayon sina Gretchen at Atong Ang sa pakikipagtransaksiyon sa pagbebenta ng isang kilalang casino.

Ibinebenta na raw kasi ‘yun ng mga banyagang nagpapatakbo, ihinahanap daw ngayon ng buyer nina Atong Ang at Gretchen ang naturang sosyal na pasugalan, kaya palagi silang magkasama.

Siguro naman ay nakararating sa ama ni Dominique ang palaging pagsasama ng aktres at ni Atong, alangan namang walang kaalam-alam tungkol du’n ang negosyante, alam nito siyempre ang mga nangyayari.

Pero bago pa ba naman ang isyung may ibang kasama si Gretchen? Matagal nang nangyayari ang ganyan, mas matindi pa nga ang iba, pero sa kabila nu’n ay buo pa rin naman ang relasyon nila ni Mr. Cojuangco.

Kapag nagpo-post si Gretchen ng mensahe niya para sa ama ng kanyang kaisa-isang anak ay iisipin mong walang anumang problema sa kanilang relasyon dahil sa sobrang pagpaparamdam ng pagmamahal ng aktres sa kanyang ka-live-in.

At ang pinakamatinding ebidensiya ay sila pa rin hanggang ngayon ni Mr. Tony “Boy” Cojuangco, kaya puwedeng totoo ang istoryang magkasosyo lang sina Gretchen at Atong Ang sa negosyo, tama?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending