Karla Estrada kontrolado ang pagbibigay ng pera kay Daniel

March 14,2018
share this

Karla Estrada kontrolado ang pagbibigay ng pera kay Daniel

March 14,2018
share this

BILIB na bilib si Karla Estrada sa kanyang anak na si Daniel Padilla sa pagiging responsable pagdating sa paggastos ng kanyang kinikita sa showbiz.

Sa isang panayam, natanong si Queen Mother kung humihingi pa sa kanya ng pera si DJ kapag may gusto itong bilhin o kung gusto nitong mag-travel.

“Binabayaran ko lang yung credit cards niya. Pinupuno ko lang,” tugon ng TV host-actress.
Bukod sa credit card, nagdadala rin daw ng cash ang kanyang anak, “May cash siyang dala, kung dollars kung saan mang bansa. Binibigyan ko pa rin siya ng cash para meron pa din talaga siyang hawak.”

Dugtong pa ni Queen Mother, “Pag-uwi minsan walang bawas yun. Oo, babalik niya. Kapag may gusto siya, hihingi lang siya sa akin. May access siya kasi and/or kami pero hindi siya kukuha nang hindi niya sasabihin sa akin lalo na pag malalaki na.”

Ngayong summer, balak na magbakasyon nina Daniel at Kathryn Bernardo sa isang lugar kung saan may mga elephant. Trip daw kasi ni Kathryn na magpaligo ng mga elepante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending